Isang pulubi ang tumulong sa isang lalakeng nawalan ng malay, di nya alam na ito rin pala ang magliligtas sa kanyang buhay.

Sa magulo at makalat na buhay sa pilipinas, kadalasan mong maririning ang kasabihang
“May pera sa basura”.Totoo ito para kay Tonio palayaw sa kanya ng mga tao. Araw araw ay umiikot ikot si Tonio sa kapaligiran ng Maynila para maghanap ng mga bagay na maari nyang pakinabangan o maibenta kahit anong makinang,mabigat o buo kukunin nya. Dala na rin ng hirap sa buhay ay nalampasan na din ni Tonio ang maraming bagyo at lindol.

 

Source: Unsplash (All photos are for illustration purpose only)

Sa kanyang pagkabata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang magulang sa lansangan. Nakakakain lang siya isang beses sa isang araw at kung minsan pa ay wala siyang makain. Murang edad pa lang ay naranasan nya na ang lupit at sakit ng reyalidad dahil dito nahirapan siya magtiwala sa iba.Naging makasarili siya at kung anong gusto nya ay kukunin nya.

 

Source: Unsplash (All photos are for illustration purpose only)

Ngayon bumalik ulit si Tonio sa lansangan ng Maynila upang magikot ikot at maghanap ng pwedeng maibenta. Naglakad siya ng ilang kilometro malayo sa kanyang tinitirahan. Kinakabahan siya na baka wala siyang makita at baka maubos pa ang kanyang bote na may onting laman na tubig.Sa kanyang paboritong puno na pinagpapahingahan ay nakakita si Tonio ng isang taong nakahiga sa kanyang pwesto. Isang tao na nakasuot pangmayaman at may suot ng singsing at mga alahas subalit nag mukha itong walang malay sa isip ni Tonio.

 

Source: Unsplash (All photos are for illustration purpose only)

Nang makita ito ni Tonio tila ba ay hindi niya alam ang gagawin dahil ngayon lamang siya nakaranas ng ganito. Sinasabi ng kayang konsensya na bigyan ito ng tubig pero kinakalaban ito ng masasamang balak na pumapasok sa isipan nya.Sobrang nahirapan siya sa pagdedesisyon at muling naalala ang kanyang sinapit sa kanyang magulang na tila gusto nya na lang iwanan ang naghihingalong lalake ngunit naalala nya din ang sakit ng maiwan kaya naman inabot nya ang inuming tubig sa lalake.

Source: Unsplash (All photos are for illustration purpose only)

Tama nga si Tonio at pagod dahil sa init ang lalake.Lumipas ang mga ilang minuto na gumaganda na ang kalagayan nito ay dali daling umalis si Tonio sapagkat baka siya lamang ay pandirihan o kaya naman sisihin sa nangyari.Bumalik ulit sya sa lansangan at patuloy na nangalakal sa Maynila.

Lumipas ang ilang araw ay unti unting nahirapan na si Tonio at nagkasakit. Tumumba siya sa isang parking lot habang paunti unting nawawalan ng malay. Sinabi nya na “Mawawala na ba ako? buti naman at matatapos na ang lahat ng hirap ko dahil wala naman magandang nangyari dito sa buhay ko.”

Nakita nya ang isang malakas na liwanag sa kanyang mga mata. Sa kanyang pagkadilat ay nakita nya ang sarili sa loob ng isang di pamilyar na lugar. Maayos at malinis na lugar hindi tulad ng kanyang lansangang kinagisnan. Ilang segundo pa ay may isang lalaking pumasok sa loob.
Sinabi ng lalaking pumasok na “Wag ka mag alala matatapos na ang lahat ng hirap mo”. Inakala ni Tonio na nasa langit na siya ngunit hindi dahil nasa ospital lang siya. Dinagdagan pa ng lalaki na “Hindi mo ba ako maalala, yung tao na nakahandusay na sa puno at binigyan mo ng tubig. Nais kitang pasalamatan nun pero bigla kang tumakbo”.

Source: Unsplash (All photos are for illustration purpose only)

Ang lalaking tinulungan ni Tonio noon ay isa palang doktor sa sobrang pagod at init ay hinimatay ito sa lansangan. Ngayon ay si Tonio naman ang nanghina at nawalan ng malay at nang nakita sya ng doktor ay dinala sya sa kanyang ospital. Pinangakuan sya nito na tutulungan sya na makabangon.

Nabalot si Tonio ng tuwa dahil ito ang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay.

Kahit na naging mahirap ang buhay ni Tonio ay hindi nya iniwan at hinayaan ang naghihingalong doktor sa ilalim ng puno.Talaga nga naman kapag gumawa ka ng mabuti ay susuklian ito.Kaya naman sana maging insipirasyon si Tonio sa mga tao at manatiling mabuti sa kapwa.