Taxi Driver na may butihing puso, nagsauli ng Iphone X. Ang kanyang pasahero, parang artista sa ganda!

Bihira na talaga ngayon makahanap o makakilala ng mga tapat na tao lalo na at naghihirap ngayon ang ating bansa. May mga pagkakataon na napipilitan nalang ang mga kababayan natin na gumawa ng masama, makakain lamang ang mga kumakalam nilang sikmura. May mga pagkakataon din na nilulunok nalang ang kanilang konsensya lalo na kung mayroon silang makitang mahalagang bagay o di naman kaya ay pera at ito ay di na nila ibinabalik sa may-ari.

 

Pero ibahin natin itong si Kuya Francisco Juaner, isang taxi driver na nakakita ng naiwang telepono na Iphone X ng kanyang pasahero. Ang teleponong ito ay sobrang mamahalin dahil halos kalalabas palang nito sa market ngayong taon. Dahil sa kanyang malinis na konsensya at kagandahang loob ay ibinalik nya ito agad sa pamamagitan ng programa ni Sir Raffy Tulfo na Solian ng Bayan ng Wanted sa Radyo. Ang taxi na minamaneho nya ay Rangen Transport na may plakang – UVG 811.

 

Source: Kami

Bukod pa dito ay mas nakatawag pansin ang may-ari ng Iphone X na kanyang pinagsolian. Bukod sa maganda ito ay magaling din magtagalog kahit na sya ay half Filipino at half Pakistani. Ang pangalan nito ay si Naggina “Kina” Iqbal. Lubos ang pagkabighani din sa kanya sa buong studio kabilang na rin si Sir Raffy na nasabi pa nyang parang artista sa Hollywood.

 

Source: Kami

May kasama rin syang kaibigan na napagkamalan ni Sir Raffy Tulfo na kapatid nya dahil ito ay mestiza din at maganda ang itsura. Ang pangalan naman nito ay si Elyss Martinez na half Filipino at half Portuguese.

Naging viral ang kwentong ito di lang dahil sa katapatang pinakita ng taxi driver, pati na rin ang kagandahan ng may-ari ng cell phone na pumunta sa istasyon para kuhanin ito.

Sana ay maging aral ito at maging inspirasyon sa lahat ng mga drivers ng pampuklikong sasakyan upang mas maramdaman ng kanilang mga pasahero na sila at mga kagamitan nila ay ligtas sa lahat ng oras.