Mikee Cojuangco ipinakita ang kanyang sasakyan na ginagamit pa rin kahit 27-taon na ito

Sa panahon ngayon kung saan napakabilis ng takbo ng buhay ay kasabay na rin dito ang mabilis na pag arangkada ng technology kasama na ang mga modelo ng sasakyan. Simula pa noon ay talagang sobrang laking tulong ang mga sasakyan sa atin, di lamang pamporma o pang status symbol, kundi ay nagagamit natin ito upang tayo ay maihatid sa ating mga pupuntahang destinasyon.

 

Source: Mikee Cojuangco Facebook

Mula noong unang panahon pa lamang ay marami ng modelo ng sasakyan ang pwedeng mabili ngunit madalas ay ang mga mayayamang tao lamang ang nakakabili nito dahil sa kamahalan ng presyo. Ngunit sa pagdaan ng panahon ay mas napapadali na ang pagkuha ng sasakyan dahil sa dami ng supply nito pati na rin sa maraming promos ng mga car dealers at mga iba’t ibang bangko.

 

Source: Mikee Cojuangco Facebook

Pumunta naman na tayo kay Mikee Cojuangco. Si Mikee Cojuangco ay nanggaling sa isa sa mga pinakamayamang pamilya dito sa Pilipinas. Ngunit alam nyo ba na kahit napakataas na ng katayuan nila sa buhay ay nanatili syang humble at down to earth? Tingnan natin ang sasakyang ito ni Mikee, na kahit halos 3-dekada na ang tanda nito at sira na ang aircon ay ito pa rin ay kanyang ginagamit.

 

Source: Mikee Cojuangco Facebook

Sabi ni Mikee na ginagamit nya pa rin ang sasakyan at ito ay kanyang iniingatan dahil sa mga ala-alang meron dito. Ang sasakyang ito ay nabili nung nanganak ang kanyang kapatid na si Josephine Cojuangco Guingona kay Ina Cojuangco Guingona. Eto ang sabi nya sa kanyang Facebook post:

“Fine, I know it’s weird, but this car has been with us since 1991 and I’m feeling sentimental.

(Can you tell from my pa-cute pose?) “Our Dad got it when @inacg was born! Gosh, having feelings over a car, but in fairness to me, it’s more about the memories made from the places we’ve been in this car.

“The AC is busted and the exterior has gotten dull, but the engine works like a dream. “And just to be clear, hindi galit si @mai.cojuangco, plus also, sorry @china_cojuangco I tried to fix the antenna but was not successful,” sabi nya sa kanyang Facebook post.