Mga eskwelahang may kakaibang pangalan at kahulugan, nagbigay katatawanan sa mga netizens

Ang eskwelahan ang tinatawag nating pangalawang tahanan.Ang lugar kung saan puno ng katatawanan, hirap at mga alaala sa ating pag-aaral pero kung tatanungin ka kung saan ka nag-aral noon makakasagot ka kaya kung ang pangalan ng iyong paaralan ay katawag tawag ng pansin o kakaiba?

Pero anu kaya ang magiging reaksiyo mo kung malaman mo na ang iyong pinanggalingang eskwelahan ay may pangalang iba pala ang ibig sabihin sa kamaynilaan? 


Ito ang ilan sa mga bilang ng paaralan na katawag tawag pansin o kakaibang pangalan na sa unang tingin ay mapapaisip ka na lang kung tama ba ang iyong nabasa o talagang yun na talaga? Ikaw na mismo ang tumingin at humusga.

 

1. Putik Central School 


Ito ba yan puno ng putik? Labhan na yan sa sabong kilala nyo.


2.Tulo Elementary School


Tulo? Puro tulo? Mahihirapan tayo sa tag-ulan nyan.


3.Ano Elementary School


Ano? Ano?? eto ba yung pangalan ng school mo kaso nakalimutan mo kung ano tawag kaya ano na lang nailagay mo.


4.Jesse S. Bobo Elementary School


Marahil eto lamang ay nagkataon sa apelyido ng may-ari ng eskwelahan. Kaya kelangan natin mag-aral pa ng mabuti.


5.Inuman Elementary School


Mga bata masama yan para sa inyo hindi pa kayo pwede mag inuman.


6.Bayag National High School


Sana ginawa nalang Bayan o Bayani. Suggestion lang naman.


7.Real Elementary School


Pati ba naman sa mga eskwelahan may peke pa din atleast totoo hindi fake mga teachers.


8.Hindi Elementary School


Kung hindi sya elementary school? Ano sya? Pakisagot po agad.


9.Walang Elementary School


Wala na finish na. Kahit siguro si waze di ito mahahanap.

 

10.Parang Elementary School


Edi hindi ka sure? anu ito, medyo medyo lang?

 

11.Kita-Kita Elementary School


Ito ba ang pinagbasehan ng pelikula nila empoy at alessandra?


12.Paaralang Elementarya ng Cabading

 
Love wins para sa mga kaibigan natin. Anu masasabi nyo mga beshies?

 

Credit: Wittypinoy