Mga pinakamahal na bahay sa buong mundo at ang mga nagmamay-ari nito.

Malalaman mo agad kung gaano kayaman ang isang tao depende sa itsura ng kanilang tahanan. At ang mga bilyonaryong tao sa mundo ay talaga nga naman mayroong mga magagarbong tahanan.

Source: CBSnews

Para sa mga mayayamang tao sa mundo, hindi yun mga mayaman lamang katulad ng mga Hollywood celebrities natin, kagaya nila Angelina Jolie at Brad Pitt pero ang mga CEOs ng mga business conglomerates kagaya na lamang ni Bill Gates, ang halaga ng kanilang mga tahanan ay hindi bumaba sa isang bilyong dolyar lang naman.
Ang mga sobrang mayayamang tao, kagaya na lamang nga Brazilian-born Philanthropist na si Lily Safra, ang pina-customize pa ang kanyang napakalawak na masyon, upang magkaroon ng helipad, kung saan pwedeng pag paradahan ng kayang mga private helicopters. Pero hindi lamang si Lily ang tanging bilyonaryo na nagpapa-customize ng kanilang mga masyon upang mas maging kawili-wili sa kanila ito.
Si Bill Gates, ang CEO ng Microsoft, ay gumastos ng ilang milyong dolyar at inabot pa ng taon upang makumpleto lamang ang kanyang dream mansion. Dahil nga siya ang CEO ng Microsoft, dapat lang na ang kanyang bahay ay puno din ng mga hi-tech na kagamitan kagaya na lamang ng kanyang underwater sound system na naka-install sa kanyang pool. Hindi lamang ito ang kanyang pinadagdag sa kanyang mansyon. Nagpalagay din siya ng isang bowling alley at sariling Power Plant sa kanyang 110,000 square feet na lupa na inabot ng 245 million dollars lang naman. Ngunit, marami sa kanyang kapitbahay sa Hamptons ay hindi natutuwa sa kanyang desisyon.
Halina’t alamin ang sampung pinakamagagarbong mansyon sa buong mundo at ang mga taong nagmamay-ari ng mga ito:

1. Ang $135 million Beverly House

Source: CBSnews

Ang Beverly House na ito ay matatagpuan sa Beverly Hills, California. Ito ay ibinibenta sa market ng halagang $135 milyon na dolyares. Dahil wala pang nagmamay-ari ng bahay na ito, maaari siyang rentahan at bayaran ng $600,000 kada-buwan. Ang pamamahay na ito ay mayroong laki na 6 ektarya ng lupa na kung saan napapalibutan din ito nga mga malilit na bahay, o guest house, maliban sa pinaka mansyon nito na mayroon impluwensya ng Italy at Spain sa kanyang arkitekto. Ang mansyon ay mayroon 50 ft entry hall, may malaki din itong library, balcony, billiard room, family room na kung saan kaya nitong okupahan ng higit kumulang na 400 na katao, isang night club, wine cellar, dalawang maliliit na sinehan, at mga spa.
Ang bahay na ito ay dinisenyo ni Gordon Kaufmann at ipinatayo ni Milton Getz. Nuong 1946, Ang publisher na si William Randolph Hearst, ang taong pinagbasehan ng palabas na “Citizen Kane”, ay tumira dati sa bahay na ito, hanggang sa kanyang pagkamatay nuong 1952. Simula nuon ay wala ng bumili at tumira talaga sa bahay na ito, sa halip ay nirerentahan na lang ito bilang set sa mga pelikula, kagaya ng “The Godfather” at “The Bodyguard”.

2. Ang $102 million Fleur de Lys mansion ng Los Angeles

Source: CBSnews

Ngayon nakaraang Marso lamang ay nabili itong mansyon na ito. Ang dating may-ari ng mansyon ay ang mag-asawang David at Suzanne Saperstein. Sila ang nagtapos ng renovation ng mansyon na ito, ngunit ay iniwan na din nila nuong sila ay nag-divorce. Ang kasalukuyang may-ari ng mansyon na ito, na kung saan binayaran ang buong $102 million in cash, ay hindi pinangalanan sa kagustuhan niyang maging anonymous. Ngunit ayon sa bali-balita, ang nakabili daw nito ay ang dating junk bond king na si Michael Milken.
Ang masyon na ito ay mayroon 12 kwarto at 15 bahay palikuran. Itong mansyon daw ay hango sa imahe ng isang French Castle na nagngangalang Vaux le Vicomte at sinimulan ang construction nito nuon 2002. Ang mansyon na ito ay mayroon 3,000-square-foot na wine cellar na may built-in tasting room na din, two-story library, cutlery room, and ballroom dance floor. Mayroon din tennis court, pool, at spa facilities ang mansyon na ito. Natampok na din sa ibang mga kilalang pelikula ang mansyon na ito kagaya na lamang ng “The Green Hornet” at “Big Shots”.

3. Ang $750 million Villa Leopolda ng France

Source: CBSnews

Ang Villa na ito ay sinubukan bilhin nuon ng Russian billionaire na si Mikhail Prokhorov nuong 2008. Ngunit hindi nakuha dahil sa laki ng presyo nito sa market. Ang Villa na ito ay itinayo nuong 1902 ni King Leopold II ng Belgium. Ito raw ay isang regalo ni King Leopold para sa isa sa kanyang mga asawa nuon. Makalipas ang ilang taon, ang Villa na ito ay nabili ng Lebanese banker na si Edmond Safra, nuong 1988. Ngunit nung namatay si Edmond dahil sa mga arsonista, ay iniwan na ang pagmamay-ari nito sa kanyang asawa na si Lily Safra.
Ang Villa ay nakatayo sa 50 ektaryang lupa at mayroong 11 kwarto at 14 na palikuran. Meron din itong commercial greenhouse, outdoor kitchen, pool, at helipad. Nasama na din sa ilang pelikula ang mansyon na ito, kagaya na lamang sa “The Red Shoes” at “To Catch a Thief”.

 

4. Ang $45 million Mansion ng Central Park

Source: CBSnews

Ayon sa may-akda ng libro na “House of Outrageous Fortune: Fifteen Central Park West, the World’s Most Powerful Address” na si Michael Gross, ang $45 million mansion na ito ay ang “Limestone Jesus” daw ng Manhattan.
Kaya siguro tinawag itong “Limestone Jesus” dahil naka-pwesto ito sa lugar kung saan napapalibutan ito ng mga makapangyarihan at importanteng tao sa mundo ng business, kagaya na lamang ni Daniel Loeb, na bumili ng 10,674 square feet na penthouse na ito. Bali-balita daw nuong taong 2012, ay balak daw ibenta ni Loeb itong penthouse na ito sa halagang $100 million, pero hanggang ngayon ay hindi pa naman ito naibebenta.

 

5. Ang $89.4 million Kensington Palace Garden ng London

Source: CBSnews

Ang Indian steel tycoon na si Lakshmi Mittal ang nakabili sa mala-palasyong bahay na ito. Sa katunayan ay ang tawag niya nga dito sa Kensington Palace Garden ay “Taj Mittal”. Tinawag niya itong ganito bilang isang joke daw dahil ang mga marmol na ginamit sa Taj Mahal ay parehas daw sa ginamit na pang-renovate sa Kensington Palace Garden.
Hindi lamang si Mittal ang nagmamay-ari nitong palasyong ito kundi tatlo sila. Ang Kensington Palace ay nasa tree-lined “Billionaire’s Row” daw at sina Roman Abramovich at Leonard Blavatnik ay mayroon din parte sa pagmamay-ari ng palasyong ito. Mayroong 12 kwarto, Turkish bath, pool, picture gallery, at ballroom ang 55,000 square foot ang mansyon na ito.

6. Ang $400 million Penthouse ng Monaco

Source: CBSnews

Ang 49-story Tour Odeon penthouse building daw na ito ay pinangalanan ng “Most Expensive Building” kahit hindi pa man nabubuksan ito sa market. Sa ganun pa lamang ay malalaman mo na kung gaano kaganda talaga ang penthouse na ito. Ito raw ay nagbukas nuong 2015 na mayroon 35,500 square foot na lawak at tinatayang umabot ang presyo nito sa higit-kumulang $400 million. Ang 560-foot skyscraper na ito ay pinangalanan bilang second-tallest building sa buong Mediterranean Sea.
Ang penthouse na ito ay mayroong 360-degree view ng karagatan at mayroon din infinity pool na may built-in water slide sa taas nito. Talaga nga naman para kang nasa paraiso pag nakatira ka dito.

 

7. Ang $1 billion Antilia mansion ng Mumbai

Source: CBSnews

Ang 27-story skyscraper ng Mumbai ay pinamagatang “Most Expensive home in the World” dahil pupatak ang presyo nito sa market ng humigit-kumulang $1 billion. Si Mukesh Amabani na isang multibillionaire business tycoon sa India, kasama ng kanyang pamilya, ang kasalukuyang naninirahan sa 400,000-square-foot mansion na ito. Sila ay nagsimulang manirahan dito nuong 2012. Ang modernong arkitektura ng skyscraper na ito ay gawa nila Perkins and Will na nagmamay-ari ng isang Chicago-based Architectural firm.
Ang Antilia, na pinangalan sa isang phantom island sa Atlantic Ocean, ay mayroon multistory garage kung saan kayang magkarga ng 168 na sasakyan. Mayroon din itong ballroom, tatlong helipads, garden, temple, guest suites, health level at home theater na kung saan kayang mag maglaman ng 50 na katao.

8. Ang $125.5 million Xanadu 2.0 mansion ng Washington

Source: CBSnews

Ang nagmamay-ari sa modernong pamamahay na ito ay walang iba, kundi ang second richest man in the word at co-founder ng Microsoft na si Bill Gates. Inabot ng pitong taon at milyong dolyar upang makamit ni gates ang kanyang dream house. Ang high-tech na pamamahay na ito ay tinatayang nasa $125.5 million. Ayon sa luxury website na ‘The Pinnacle List’, nabili daw ni Gates itong mansyon nuon 1998 sa halagang $14 million.
Ang 66,000-sqaure-foot “smart” complex na ito ay itinayo sa gilid ng burol kung saan mayroon itong “overlooking view” sa Lake Washington. Ang mga bisita at residente dito ang nagsusuot ng mga electronic pins kung saan namomonitor ng automated na mansyon na ito ang kanilang mga kagustuhan. Kagaya na lamang kung gaano kalamig o kainit ang dapat na temperatura ng isang kwarto o kung gaano kaliwanag ang gusto nila. Ang mansyon na ito ay mayroon 2,500-square-foot na gym, 2,100-square-foot library, 3,900-square-foot pool building, 2,300-square-foot reception hall, 6,300 square foot na underground garage, at kung ano-ano pang mga amenities.

9. Ang $195 million Palazzo di Amore ng Beverly Hills

Source: CBSnews

Nang ilista ng Real estate Mogul na si Jeff Greene ang 25-acre estate na ito sa Beverly Hills sa mga properties na available sa market, itinuring agad itong pinakamahal na property sa bansa dahil ito ay umaabot sa $195 million. Ang Palazzo di Amore ay isa Mediterranean-style na Villa na mayroon 53,000 square feet na luwang, ngunit 15,000 duon ay nakalaan para sa entertainment complex na mayroong revolving ballroom dance floor. Meron itong 12 kwarto, 23 palikuran, bowling alley, sinehan, tennis courts, pools, waterfalls, at garahe kung saan kasya ang 27 sasakyan.
Ang Palazzo de Amore ay kaya daw mag host ng 1000 katao para sa mga party. Maraming pwedeng gawin dito sa mansyong ito ang mga bisita. Pwede silang maglakad-lakad sa garden at tumambay sa mga vineyards na kung saan mayroon sariling pagawaan ng wine ang mansyon. Pwede din nilang puntahan ang mga floating glass walkways na nasa ibabaw ng mga pools.

10. Ang $249 million Fair Field ng Sagaponack, New York

Source: CBSnews

Ang Fair Field mansion ay may lawak na 63 acres at nakatayo sa harap ng karagatan ng Hamptons. Mayroon daw itong halaga na umaabot sa $248.5 million at ito ay pagmamay-ari ng billionaire na si Ira Rennert. Nabili ni Rennert itong mansyon na ito nuong 1999 ngunit nakalipat lamang sila dito ng kanyang pamilya nuong 2004 dahil sa issue sa kanilang lugar.
Maraming residente ng Southampton ang nagrereklamo sa pagpapatayo ng 110,000-sqaure-foot na mansyon na ito dahil magkakaroon daw ng masamang epekto ito sa kalikasan at sa kanilang lugar. Nang mabigo ang mga residente sa kanilang reklamo, ay itinuloy na ni Rennert ang pagpapatayo sa kanyang mansyon ngunit ang mga residente ng Southampton ay hindi na pwedeng magpatayo ng kanilang mga bahay na mas tataas pa sa 20,000 square feet.
Ang Fair Field mansion ay mayroong 29 na kwarto, 39 na banyo, may sariling power plant, tatlong swimming pools, isang sinagoga, dalawang courtyard, orangery, isang 164-seat home theater, basketball court at bowling alley