RnB singer Jay-R, Sobrang sweet na nagpropose sa girlfriend na si Mica Javier.

Huling linggo nitong October 21 2018, sa Nobu Hotel sa City of Dreams Manila ay mag shoshoot dapat sila ng isang music video nang magkasama.Ngayon biglang sinurpresa ng RNB singer na si Jay-R ang girlfriend , lumuhod at tinanong kung papakasalan ba niya ang singer.

Source: Instagram

Si Mica Javier na isang miyembro ng Showtime GirlTrends sumagot ng “Oo” sa tanong ng Rnb singer sa kanya tungkol sa engagement. Ang dalawa ay matagal nang magkasama ng mahigit limang taon.

Source: Instagram

Sinilayan din ng mga kasama nilang Kapamilya stars ang kanilang matamis na engagement katulad nila Coleen Garcia, Billy Crawford, Kris Lawrence, Jason Dy, Karylle, Denise Laurel, Karla Estrada, and Jaya.

Source: Instagram

Ang dalawang bagong engaged na magkasintahan ay parehas na abala sa kani-kanilang trabaho at projects sa industriya. Nasabi din ni Jay-R na hindi sya nagmamadali para sa kanilang dalawa dahil ang kayang girlfriend ay nagsisimula pa lang na gumawa ng pangalan sa Hollywood.

Source: Instagram

“Gusto ko magfocus muna siya. She’s on Showtime, she just booked this international TV series with Steven Seagal. So parang gusto ko magfocus muna siya. Her career is on the rise. Ayokong maging parang factor na distracting her in any kind of way. Gusto ko talagang nakafocus siya sa work niya and for myself as well”
“Gusto ko magfocus sa mga dreams and aspirations ko,” at dinagdag pa nito na “Di lang namin nirurush,”

Pinarandam din ni Jay-R ang kanyang saloobin at nararandaman kung paano niya ipinagmamalaki si Mica sa mga nagawa neto ng siya lamang ang Pilipino na kasama sa International TV series na shinoshoot dito sa Pilipinas kasama si Steven Seangal.
“It’s amazing. I’m very very proud of her. It’s so exciting. Parang dream come true. International TV series na shinoshoot dito sa Pilipinas with Steven Seagal. You know I’ve been watching Steven Seagal since I was a kid. Lahat ng mga movies niya pinapanuod ko tapos ngayon ‘yung girlfriend ko makakasama nila”
“You know she’s the only Filipino in the TV series. Kaya nakakaproud talaga na nakuha niya ”yung part,”

Katulad din ni Mica, si Jay-R naman ay ginawaran ng R&B Song of the Year at the Wish Music Awards 2018 sa kanyang kanta na “Kabilang Dako.” at napili din ang kanyang kanta na ‘L.O.V.E’ bilang isa sa mga sound track ng Hollywood Romantic Comedy Movie “The Bounceback”