Nakakalambot ng puso kung paano titigan ni Pauleen ang kanyang mag-ama na si Vic at Tali

Si baby Tali ay anak ni Vic Sotto at Pauleen Luna. Maraming kumakalat sa social media na pictures nilang napakasweet at mahilig magbonding. Malapit si Tali sa kanyang ama na si Vic Sotto, madalas sa mga video na makikita sa kanilang instagram account ay nakikipaglaro si Vic sa kanyang anak.

Source: Instagram

May isang video naman ang pinakatumatak sa mga netizens dahil sa sobrang lambing ni bossing Vic at ang kanyang anak. Ang video na ito ay nagpapakita na sobrang malapit talaga si Vic at si Tali, nakahiga ang kanyang baby sa ibabaw ng kanyang dibdib habang pinagmamasdan naman ito ni Pauleen Luna. Kung papanuorin mo ang video talaga namang nakakalambot ng puso ang tingin ni Pauleen sa kanyang mag ama, para bang iniisip niya na sobrang swerte niya dahil sa kanyang asawa at anak na naglambingan.

Mapapansin talaga sa video na gustong gusto ni Tali ang pag aalaga ng kanyang ama.

Sa video ay makikita talaga na mahimbing ang tulog ni baby Tali sa kanyang dibdib habang nakatitig din si Bossing sa kanyang anak.

Source: Instagram

Ang mas nakakatuwa pa dito ay ang pagtitig ni Pauleen sa kanyang mag ama habang sila ay naglalambingan moment ni Tali.

Maraming netizens talaga ang natuwa sa video clip na ito dahil sa bonding nilang pamilya. Ito ang iba’t ibang reaksyon ng mga netizens sa kanilang video.

Source: Instagram

โ€œYung tingin ni Mama sa mag-ama n’ya. Kainloveโ€ โ€œSo sweet to each otherโ€
โ€œCute nina bossing at baby taliโ€

Mayroon pang isang video ang nakakatuwa. Habang kumakain ang kanyang magulang nakabantay si baby Tali na para bang naiinggit sa kinakain ng kanyang pamilya.

Source: Instagram

Napakacute na baby ang nagmamasid kung paano kumain ang kanyang pamilya.

Si Pauleen Luna ay isang actress at co host sa isang noon time show na Eat Bulaga. Ang kapuso star ay kinasal kay Vic Sotto noong January 30 2016 at nagkaroon sila ng anak na si Tali noong November 6 2017.