Si Robert at si Jane ay nagsimulang magkakilala nung first year college palang sila. Si Robert ay kumuha ng kursong Engineering at si Jane naman ay nag-aral ng Nursing. Sa isang math subject unang nagkita ang dalawa ngunit lingid sa kaalaman ni Jane ay may gusto na pala sa kanya si Robert.

Dahil sa crush ng binata ang dalaga ay gumawa ito ng paraan upang mapalapit sa kanya. Umupo muna sya sa gawing likuran at hinintay ang pagdating ni Jane. Nang dumating na sya ay agad naman syang pumwesto katabi ng upuan ng dalaga at pasimple kunwari na kararating lang din nya. Bigla naman namutla si Robert nang bigla syang kausapin ni Jane.

“Uy, bakit naman ang tahimik mo jan, kinakabahan ka siguro sa prof natin no!”, biglang napalingon sa kanya si Robert at sandaling natulala dahil sa kagandahan ni Jane.
“Uyyy! grabe ka naman, baka matunaw ako nyan”, sabi ni Jane.
“Ay sorry, nakakaintimidate ka kasi e, parang di ako sanay feeling ko may katabi akong artista”, pabirong tugon ni Robert. Natawa nalang dito si Jane at sakto dumating na ang prof nila at sinimulan ang klase sa Math.
Di maipaliwanag ang saya ni Robert sa bawat araw na papasok sya sa school na tila bang walang problemang pwedeng makasira ng araw nya. Lagi nyang inaabangan si Jane at sa tuwing nakikita nya itong dumarating ay para bang sasabog ang dibdib nito sa sobrang kaba.
Tumitsempo sya lagi na makausap si Jane sa tuwing nag-iisa ito at isang araw ay napansin nyang kumakain si Jane sa canteen mag-isa. Humanap ng pagkakataon si Robert upang samahan si Jane, dali-dali syang pumila at bumili ng biscuit at fruit juice dahil sakto pamasahe nalang ang dala nyang pera nun. Pinuntahan nya si Jane at sinabi,
“Hi, Jane ang name mo diba? Sorry ikaw palang kasi ang kilala ko dito sa school, ok lang ba makishare ng table?”,
“Oo naman, halika sakto wala yung mga friends ko.” sabi ni Jane.
Parang lumaki ang tenga ni Robert sa narinig at sa pagkakataong iyon ay sinabi nya sa kanyang sarili na kanyang lalakasan na ang kanyang loob upang mayaya si Jane lumabas minsan.
“Ayos ka palang kasama Jane, parang kahit simpleng pagkain e sumasarap”, sabi ni Robert.
“Ay sus, makabola ka wagas a! Bakit nga pala biscuit lang binili mo e hanggang mamaya pa class mo diba?” tugon ni Jane.
“Busog pa kasi ako, ang dami ko kasing nakain sa bahay kanina bago ako umalis. Kakainis nga e, kung alam ko lang na makakasama kita edi sana dito nalang ako kumain para kanina pa kita kasama”. Pabirong sabi naman ni Robert.
“Oo nga pala, pag may chance ha, yayain kitang lumabas minsan, kung ok lang sayo tsaka kung walang magagalit, alam mo naman, ayoko lang na may bigla nalang susuntok sa akin na boyfriend mo”.
“Boyfriend ka jan! wala no, di pa ako nagkakaboyfriend ever, gusto kasi nila mommy mag-graduate muna ako ng college, pagkatapos nun pwedeng pwede na raw”. “Teka, san naman tayo pupunta pag ganun? Takas lang din kasi ako if ever, alam mo naman pag nahuli ako e talagang yari ako sa parents ko.”
Napapalakpak na naman ang tenga ng binata sa narinig. Pagkakataon na nya ito upang gumawa ng “Move” sa dalaga.
“Kahit kain lang tayo sa labas, kwentuhan, kung may extra time pa e pwede rin tayo manuod na sine”.
“Mukhang ok yun a, pero promise mo friendly get together lang yan ha, mukha ka naman mabait at masaya kasama”.
Pagkatapos nun ay nagpalitan na sila ng celphone numbers at dumiretso na sa kanilang klase. Sila ay nagkakatext madalas at dun simula nahulog ang loob ni Jane kay Robert. Natuloy din ang kanilang pamamasyal kahit ito ay patago dahil sa pagiging strikto ng kanyang magulang.
Dumaan ang dalawang taon at lalo pang naging malapit sa isa’t isa ang dalawa. Naging comfortable na rin si Jane sa kanya at nagagawa na nya itong masumbungan at masabihan ng sama ng loob. Di nagtagal at nagdesisyon na rin si Robert na magsabi ng nararamdaman nya para kay Jane.
Maulan ang araw na iyon kaya’t di naiwasang mabasa sa ulan ni Robert. Hinintay nya ng may kaba si Jane sa school upang yayain kumain sa canteen at dun sabihin ang kanyang intensyon. At dumating nga si Jane kasama ang mga kaibigan. Buti nalang at may ibang klase ang mga kaibigan nito kaya nakakuha sya ng pagkakataon. Niyaya nya si Jane na kumain at pagkatapos nun ay lakas loob nyang kinausap ang dalaga.
“Ah e, Jane, teka kinakabahan kasi ako”. sabi ni Robert.
“Bakit naman? kinabahan din tuloy ako nyan”. Pangiting sabi ni Jane.
“Eto na nga, uhmmmm… Jane, alam mo naman na medyo matagal naman na tayong magkakilala diba, sa umpisa palang kasi kitang nakilala e nahulog na yung loob ko sayo. Ah e,,, huwag kang magagalit ha?”.
“Bakit naman ako magagalit Rob? May nagawa ka ba?” medyo tulirong sagot ni Jane.
“Hindi wala… Kinakabahan kasi ako e. Matagal ko na kasing pinagdarasal ang pagkakataong ito, sana ito na talaga yung tamang oras.”
“Tamang oras na alin?” tanong ni Jane.
“Gusto sana kasi kitang maging Girlfriend Jane, pero ok lang naman kung di ka papayag.” Nahihiyang sabi ni Robert na talagang namumutla na sa kaba.
“Ngek! Nagbibiro ka lang ata e, tsaka alam mo namang bawal pa ako diba?” medyo pabirong tugon ni Jane na may pagka-awkward accent. “Teka, may class pa nga pala ako, text text nalang ha…”
Parang nadurog bigla ang puso ni Robert sa narinig. Di nya alam ang gagawin at bigla syang nawalan ng gana pumasok at umuwi nalang. Sumama din ang pakiramdam nya dahil nabasa sya ng ulan. Di sya nakapasok ng ilang araw dahil sa lagnat. Di na rin nya tinext si Jane simula noon.
Isang gabi ay nakatanggap ng message si Robert mula kay Jane at kinakamusta ito dahil di nya ito nakikita sa klase. Sinabi naman ni Robert na nilalagnat pa kasi sya dahil nabasa sya ng ulan nung nakaraang isang linggo. Pagkatapos nun ay nagulat nalang sya sa text message ni Jane.
“Alam mo iba pala nung wala ka sa school, parang kulang yung araw ko. Di ko alam kung bakit ka umaabsent akala ko tuloy galit kana sa akin. Nagdasal din ako at humingi ng gabay kung anu ang aking gagawin… Medyo nataranta lang kasi ako siguro nung tinanong mo ako last time pero sasagutin ko na yung tanong mo.”
“Anu bang sagot mo sana?” tugon sa text ni Robert.
“Mahal kita Rob at parang kulang ang mundo ko pag wala ka.Oo ang sagot ko, I’m your girl now!”
Parang isang libong paracetamol ang nainom ni Robert sa nabasa at biglang bumangon sa pagkakahiga at nagtatatalon!
“Wooooooooo!” “Girlfriend ko na si Jane!”
Kinabukasan lang ay masigla na ulit pumasok si Robert at masaya silang naging magkasintahan ni Jane.
Itutuloy…..