Siya na nga ba ang bagong natitipuhan ni Willie Revillame? Alamin!

Ang 18th edition ng Miss Philippines Earth ngayong taon ay magaganap sa Nov 3, 2018 sa Mall of Asia, at ang pambato ng Pilipinas ay walang iba kung di ang Filipino-Italian beauty na si Miss Celeste Cotesi.

Source: Filipinotimes

Si Celeste Cotesi ay mainit sa media ngayon dahil sa bali-balitang nililigawan daw siya ng popular na TV host ng Wowowin na si Willie Revillame. Pero paano nga ba nag simula ito?

Source: Pep.ph

Si Celeste ay minsang naging co-host ni Willie sa kanyang show na Wowowin nuon, at di alintana sa mga mata ng mga audience ang galak at sigla ni Willie nang makasama niya ang beauty queen.

Source: Thepageantqueens

Ayon sa balita, nakatanggap daw si Celeste ng brand new at exclusive na cellphone mula kay Willie matapos nitong mag guest sa show.

Source: balitanetph

Ikinagulat ni Celeste ang nangyari, ngunit normal na lamang ito para sa mga co-host at production staff ng Wowowin dahil talaga nga namang isang mapagbigay na tao si Willie.

Source: Pep.ph

Marami ang natuwa at kinilig sa pag guest ni Celeste sa Wowowin dahil palaban siya at game na game siya sa pakikipagkulitan niya kay Willie.

Source: Abscbnnews

Nang dahil dito, talaga nga namang napansin ng audience na kakaiba ang aura ni Willie dahil kay Celeste.

Source: insidereaders

Talagang masigla at puno ng saya si Willie, na hanggang ngayon ay eligible bachelor pa din at wala pa din napapabalitang nagpapatibok sa kanyang puso.
Gayunman, magkakaroon ng panibago sa programa ni Willie sa unang buwan ng 2019. Dahil ito sa kagustuhan niyang mas mapaganda pa ang kanyang show.

Ayon din sa balita, malaki din ang pag-asa na kukunin ni Willie si Celeste bilang co-host ng Wowowin.
Bukod sa balitang ito, ibinigay din ng GMA Network, Inc. management sa Wowowin ang rights ng “Tanghalan ng Kampeon” na kung saan ay magiging panibagong segment sa reformatted na Wowowin sa 2019.

Edad 16 hanggang 40 ang maaaring sumali sa singing contest ng popular game show ni Willie.
Dalawang milyong piso at brand new house and lot ang maaaring mapanalunan ng grand champion ng panibagong segment nilang ito.