Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang maniwala sa mga presensya ng mga engkanto at mga kaluluwa. Maraming lugar sa Pilipinas ang nagtataglay ng mga samu’t-saring kwentong paranormal.
Marahil ay narinig niyo na din mismo sa inyong mga magulang o mga lolo’t lola ang mga kwentong kagaya nito. Na totoo nga daw ang mga kapre, nuno sa punso, engkanto, at kung ano-ano pa.
Ngunit kahit na marami na ang nagsasabi na totoo man sila, marami pa din sa atin ang hindi na niniwala dito dahil mahirap nga naman paniwalaan. Pero ganun pa din ba ang iisipin mo kapag na-engkwentro mo na ito sa personal?
Ayon sa palabas na KMJS, o ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” na palabas ng GMA, mayroon daw isang barangay sa Cabanatuan ang nakakaranas ng mga kakaibang pangyayari sa kanilang lugar.
Sinasabi ng mga nakatira sa barangay na tuwing pagsapit ng gabi, ay nagsisimula na ang mga kakaibang pangyayari na nagaganap sa kanilang lugar.
Pagsapit ng gabi ang mayroong nangbabato sa kanilang mga bahay, at hindi nila matukoy kung sino ito.
Maraming residente ang nagrereklamo dahil sa mga batong hinahagis sa bubong ng kani-kanilang mga bahay. Dahil ang kanilang mga bubong ay gawa lamang sa yero, malalakas at maiingay na tunog ang nagagawa nito kapag tinatamaan ng bato.
Ngunit kahit napakadalas at napakaraming beses na nangyayari ito, hindi pa din matunkoy ng mga residente kung sino nga ba ang gumagawa nito.
Pagsapit ng 6 o 8 ng gabi, nagsisimula ng umulan ng mga bato sa kanilang mga bubong. Dahil nga hindi mahuli ng mga residente kung sino ng aba talaga ng gumagawa nito, nababahala silang baka mga engkanto ang mga salarin.
Ang mismong team ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”, ay naranasan ang kakaibang pangyayaring ito. Nahuli ng kanilang team gamit ang mga video recorder, ang isang puting bagay na tumatakbo sa ibabaw ng bubong ng mga bahay.
Ang pamilya ni Anita Espiritu ang pinaka unang nakaranas ng ganitong pangyayari sa barangay. Ang unang inaakala nila, ay mayroon lamang naiingit sa kanyang narating sa buhay kaya daw nagagawa nila ang mga bagay na ito. Ngunit dahil nga hindi malaman kung sino ang salarin, mahirap sabihin na ito nga talaga ang dahilan ng mga pangyayari.
Panoorin kung ano nga ba talaga ang dahilan ng pangyayaring ito: