Ipinakilala ni Sam Pinto sa Instagram ang bago niyang Boyfriend! Alamin kung Sino.

Kilala natin si Sam Pinto bilang isa sa mga pinaka sexy sa ating bansa na hinirang ng FHM at hindi nakapagtataka na marami talagang nahuhumaling sa kagandahan niyang taglay, ngunit ngayon ay may nanalo na sa kanyang puso at proud niyang ipinakilala sa kanyang Instagram. Alamin!

Sa Instagram account ni Sam Pinto proud na proud siya na ipakilala sa mga followers niya ang kanyang bagong boyrfriend na si Anthony Semerad, kung saan ay excited na siya sa bagong adventure ng kanilang buhay bilang magkarelasyon.

Source: Sam Pinto Instagram

Makikita sa post ni Sam ang kanilang litratong dalawa na kuha noong Huwebes, October 18, at may caption na napakasweet at kikiligin ka talaga sa sinabi niyang “And so the adventure begins with this one.” na may kasama pang heart emoji!

Source: Sam Pinto Instagram

Si Anthony Semerad naman ay isang basketball player, model, tv host na player sa TNT KaTropa of the Philippine Basketball Association, si Anthony ay maroong kakambal, siya ay si David, na naging team mate din sa San beda, na naglalaro ngayon sa San Miguel Beermen.

Source: Sam Pinto Instagram

At sa Instagram account naman ni Anthony ay may nakapost din na litrato nila ng girlfriend niya, parehas na araw silang nagpost ng kanilang litrato.

Nakalagay naman sa caption ay “It’s very rare to meet someone who is basically the exact same person as you. There is never bad vibes, jealousy or competitive ego’s between us, we’re just two people chasing dreams that want the best for each other @sampinto_.”

Source: Sam Pinto Instagram

Mas nauna magpost si Anthony ng litrato nila ni Sam pero hindi pa sigurado sa mga panahon na ito kung sila na nga ba talaga hanggang sa nagpost si Sam na may napakasweet na caption.

Source: Sam Pinto Instagram

Napabalita naman noon na naging Boyfriend niya si Misagh Bahadoran, siya ay isang Filipino-Persian na player sa Azkals noong 2016. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ang nangyari sa kanilang relasyon at kung bakit sila naghiwalay. Inamin naman ni Misagh na naghiwalay na sila ni Sam “months ago”.