Isang nakakaiyak na storya ng pagmamahalan ang viral ngayon sa social media

-Sa isang iglap, hindi inakala ni Eina Jane Pineda na mawawala na parang bula ang kanyang ligaya sa buhay dahil sa di inaasahang trahedya
-Nag viral ang post ni Eina sa social media, kung saan inilathala niya ang mga masasayang alaala nila ng kanyang nobyo at ang trahedya na kumuha sa kanya
-Naguumapaw na pagdadalamhati at suporta ang natanggap ni Eina mula sa mga netizens dahil sa kanyang kalungkutan na nadarama dahil sa trahedya.

Sa isang facebook post ni Eina Pineda, naikwento niya dito ang pangungulila niya sa sumakabilang buhay niyang kasintahan.

Sa post na ito, ikinuwento ni Eina ang istorya nila ng kanyang yumaong nobyo na si Ryan Bairoy, na kung saan natapos sa isang iglap ang kanilang love story ng dahil sa di inaasahang aksidente. Ikinuwento niya dito ang mga masasayang alaala nila ni Ryan. Kung paano sila nagsimula, nagkakilala, at kung paano nabuo ang kanilang pagmamahalan.

Ayon sa post ni Eina, nagkakilala sila nuong elementary pa lamang. Ngunit dahil sila ay mga bata pa lamang at ang love na meron sila ay “puppy love” pa lamang, hindi agad nagsimula ang kanilang pagmamahal dito. Ngunit matapos ang maraming taon at nung sila ay matanda na, nagkita ulit sila.
Dahil sa common connection kaya sila nagkasamang muli, at duon na nag simulang mag liyab ang kanilang mga damdamin para sa isa’t isa. Nuong taong 2011 ay naging opisyal na ang kanilang pagmamahalan.

Pinatunayan ni Ryan kay Eina ang kanyang pagiging mabuting nobyo, ganun na din ang pagiging mabuting anak nito sa kanyang magulang at mabuting kapatid sa kanyang pamilya. Kaya naman mas lalong na-inlove si Eina sa kanya dahil sa mga katangian ni Ryan na ito. Sino ba naman ang hindi maiinlove sa mga katangian na meron si Ryan.

Dahil pangarap ni Ryan ang pagiging seaman, kumuha siya ng Maritime Engineering na course. Nagpursigi si Ryan at natapos niya na ang kanyang kurso sa taong 2017. Handa na si Ryan na harapin ang tunay na mundo at simulan ang kanilang buhay ni Eina na magkasama.
Ngunit ang lahat ng ito ay nawala at gumuho dahil sa malagim na trahedya na nangyari nuong October 7, 2018 na kung saan nadamay din si Ryan.

Nagtamo ng brain injuries, leg fracture at na-comatose si Ryan. Sinubukan niya pa rin lumaban ngunit di nagtagal ay nawalan na din siya ng hininga.

Napakasakit ng pangyayaring ito para kay Eina at pati na din sa mga nagmamahal kay Ryan, dahil sa isang iglap ay nawalan sila ng isang minamahal na may mabuting puso at magandang hangarin para sa buhay. Hanggang ngayon ay pinipilit pa din ni Eina na magpakatatag kahit na masakit na masakit ang mga pangyayari sa kanya. Alang-alang sa mga alaalang iniwan ni Ryan sa kanya na mananatili sa kanyang puso habang buhay.

Credits:Kami