Isang babae, muntik nang mahimatay sa tila sobrang kapaguran pero nailigtas ng isang deliveryman

Si Gee Reambonanza ay nakatira sa kaniyang condo unit na nagkataong walang malapit na mga kamag-anak at kaibigan sa mga oras na iyon.

Source: Gee Reambonanza Facebook

Isang umaga, tulad ng ibang mga umaga na wala siyang pasok, napagdesisyunan niyang magjogging saglit sa kanilang lugar, kwento niya na makalipas ang kinse minutos ay nakaramdam siya ng sakit sa tiyan at pananakit din ng ulo, mula dito hindi na gaganda ang lagay ng kaniyang katawan.

Sa lagay na ito, naisipan niyang bumalik sa unit niya upang magpahinga at kumain ng agahan, ngunit pagdating pa lamang niya sa gate ay nakaramdam na siya ng malamig na pawis, na karaniwang dala ng sobrang kapaguran.

Source: Gee Reambonanza Facebook

Kasabay ng kaniyang malamig na pamamawis ay nakaramdam din siya ng pamamanhid, pamumutla, at paglabo ng kaniyang paningin, na nagdulot sa kaniya na pumunta sa pinakamalapit na tindahan para bumili ng tubig at saging na makatutulong sa kaniyang kahinaan.

Nagpamasahe din siya sa kamay sa tauhan ng tindahan upang kumalma siya ng kaunti at gumaan ang kaniyang pakiramdam, at mula dito pinilit niya ang sarili niya na makabalik na ng unit niya.

Nang makabalik siya sa kaniyang unit ay lalo lamang natakot at kinilabutan ang kaniyang pag-iisip, at dahil dito siya ay nanginig, namutla, at nahirapan na dulot ng kaniyang sobrang takot sapagkat siya ay mag-isa lamang na nakatira sa unit niya at wala siyang maaasahan kung mayroon mang mangyari sa kaniya.

Source: Gee Reambonanza Facebook

Sa hirap ng pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng malay ngunit pinipilit niyang magising sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig sa kaniyang sarili, sa pagsigaw sa kaniyang unit na humihingi ng tulong mula sa mga kapitbahay niya, at sa huli ay humahagulgol na siya sa kaba at takot ngunit nagawa niya pa din na sumigaw at humingi ng tulong mula sa Diyos at nagdasal ng “Lord please help me..mag-isa lang po ako dito..wala po ako ibang mahingan ng tulong..tulungan niyo po ako”.

Source: Gee Reambonanza Facebook

Gumaan ng kaunti ang kaniyang pakiramdam ng siya ay ichat ng kaniyang kaibigan mula sa Vietnam tungkol sa sapatos na kaniyang binili para sa kaniya at sinabing parating na ang deliveryman ng isang shipping company, chinat naman agad ni Gee ang kaniyang kaibigan na kailangan niya ng tulong at ipinaliwanag niya ang kaniyang kalagayan.

Madaming katok ang kaniyang narinig mula sa pinto na inakala niya ay galing sa mga kapitbahay niyang nakarinig ng kaniyang mga hiyaw, ngunit ito pala ang deliveryman na maghahatid ng kaniyang sapatos, at sa huli ay magliligtas sa kaniya.

Matapos niyang pilitin ang sarili na mabuksan ang pinto, pinaghintay muna niya ang deliveryman sapagkat sa sobrang basa ng kaniyang sarili ay mukha na siyang nakahubo, at dahil sa tagal ng panahon na lumipas para siya ay makapagbihis ng maayos, umalis na ang deliveryman sa kaniyang unit, ngunit pinilit ng kaibigan niya na ipahintay sa deliveryman si Gee sapagkat sa lagay niyang iyon ay gusto na niyang magpaospital.

Sa awa ng Diyos ay bumalik ang mabait na deliveryman at nang mapakiusapan ni Gee na ibili siya ng gamot at pagkain na mayroong sabaw, agad na bumili nga ang deliveryman at pagbalik sa unit niya ay siya pang nag-ayos ng kaniyang pagkain upang matulungan ang nanghihinang si Gee.

Source: Gee Reambonanza Facebook

Sa lahat ng pangyayaring iyon ay nalimutan na niyang tanungin ang pangalan ng mabait na deliveryman ngunit patuloy pa rin siyang mapagpasalamat sa kabaitan na dala niya sa isang estrangherong nangangailangan ng tulong.

Source: Gee Reambonanza Facebook

Gusto din ipahatid ni Gee ang mensahe para sa lahat ng mga babaeng nakatira mag-isa ay alagaan ang kanilang sarili.

“…so to all girls out there na mag isa lang sa bahay..please take care of yourselves..never skip meals and take vitamins na din because Health is Wealth
Thank you kuya Lalamove sa pagtulong sakin lalong lalo na sa kaibigan ko na si MC..
And sobrang thank you God kasi hindi mo po ako pinabayaan.. I love you Lord..

Source: Gee Reambonanza Facebook

God is Great all the time” ika ni Gee sa kaniyang post sa social media, na nagpapaalala na ating alagaan ang mga sarili natin lalo na kung tayo ay walang kasama sa bahay na makapag-aalaga sa atin kung mayroon mang mangyari sa atin.