Angel Locsin, nagsalita na tungkol sa desisyon ni Erik Matti na iwan ang bagong bersyon ng Darna

-Si Angel ang dating gumanap bilang Darna noon
-Nagpaliwanag si Angel ng kanyang saloobin tungkol  sa pag-alis ni direk Erik Matti sa ginagawang Darna ngayon
-Isiniwalat din ni Angel ang kanyang full support kay Liza bilang ang bagong Darna

Source:Kami

Ang dating gumanap bilang Darna na si Angel Locsin ay nagsalita na tungkol sa isyu ng pagpapalit ng direktor sa panibagong bersyon ng Darna, na kung saan si Liza Soberano ang bagong gaganap bilang si Darna.

Source:Chsms

Nalaman na positibo ang naging reaksyon ni Angel patungkol sa desisyon na ito ni Direk Erik Matti.

Source: Cosmoph

Sa isang interview na isinagawa ng TV network na magpapalabas ng darna, nalaman duon na talagang suportado si Angel kay Liza bilang bagong Darna. Maaalala natin na si Angel ay ang gumanap bilang Darna nuon at talaga naman napahanga niya ang lahat sa kanyang kagalingan sa pag-arte.

Source: philippinestar

Simula nuon ay nanatili na si Angel sa ating mga puso bilang si Darna. Kaya naman marami ang nangangamba sa pagpalit ng bagong gaganap kay Darna, dahil baka hindi ito maging kasing ganda ng bersyon ni Angel. Ngunit ang sabi naman ni Angel dito ay:
“Oo naman, sobrang suportado ko si Liza…“
“Pero alam ko, ‘yun talaga ang pinakaimportanteng project ng ABS-CBN. So kung anuman ang mangyari sa Darna, alam ko na super ganda pa rin ang kakalabasan. “
“Wala akong alam sa mga nangyayari pero excited ako na mapanood”
Sa nakaraang interview ng kay Liza, sinasabi niya na gustong-gusto niyang makatrabaho si direk Erik Matti sa bagong bersyon ng Darna na ito kahit pa man wala na siya sa proyekto.
Inanunsyo din na ang papalit na director kay Erik Matti ay si direk Jerrold Tarog, na kung saan siya din ang direktor sa mga blockbuster films kagaya ng “Bliss”, “Heneral Luna”, at “Goyo”.

Credits: Kami