Lara Quigaman may emosyonal na mensahe tungkol sa mga nanay na nakakaranas ng negative comments tungkol sa postpartum depression

Si Lara Quigaman ay isang beauty queen na nakararanas ng negative comments dahil sa kanyang pagbubuntis. Siya ay nanganak isang buwan ang nakalipas at pangalawang anak na niya ito.

Katulad ng maraming nanay, si Lara ay nakakabasa ng mga negative comments galing sa iba’t ibang tao kung bakit may umbok pa rin ang kanyang tiyan at hindi ito lumiliit.

Sa madaling salita, kahit sino naman na nanay ang makarinig at makabasa ng mga ganon na comments ay nakakasakit talaga, lalo pa na sexy ang iyong katawan at nagkaroon ng anak ay mahirap talaga agad ibalik ang dating katawan. Kailangan ng tiyaga at disiplina sa sarili.

Siya ay nagbigay ng napakagandang mensahe para sa mga nanay na nakakaranas ng mga negative comments tungkol sa postpartum bodies.

Si Lara Quigaman ay isang masayang ina sa dalawa nitong anak. Pinanganak niya ang kanyang pangalawang anak isang buwan ang nakalipas at patuloy siyang nagpapagaling.

Marami talagang tao na mapanghusga sa iba, at pinipili na magcomment ng iba’t ibang negatibo tungkol kanyang itsura o ang kaya naman sa malaking tiyan ni Lara dahil sa kanyang pagbubuntis.

Nasaktan ang beauty queen dahil sa mga nabasa niyang comments, sino ba naman ang hindi masasaktan sa mga taong alam lang ang gawin ay mag bigay negatibo sa buhay ng ibang tao kaya hindi napigilan masaktan ni Lara at sinabing “insensitive” sa mga taong nagsasabi nang mga negatibong comments.

Sabi niya ay tinatanggap niya kung ano man ang nagbago sa kanyang katawan, normal lang ang nangyari sa kanya dahil nagdala siya ng baby sa kanyang sinapupunan ng nine months at panigurado na mahaba-haba ang oras ang kailangan para maibalik ang dati niyang katawan noong siya ay hindi pa nagbubuntis, at kung hindi man daw bumalik ang dati niyang katawan ay walang problema para sa kanya iyon.

Sabi pa ng beauty queen ay masaya siya sa mga nanay na napapanatili nila ang kanilang magandang katawan pagkatapos ng pagbubuntis at sinabi din niya na magkaiba talaga ang katawan ng mga nanay at sa mga wala pang anak.

Kaya naman nagbigay siya ng mensahe para sa mga nanay na nakakaranas ng kanyang sitwasyon.

Para sa mga nanay na tumitingin sa salamin pagkatapos manganak at nalulungkot dahil sa iyong katawan, huwag kayo mag alala hindi kayo nagiisa, dagdag pa ni Lara para sa mga nanay.

Sabi rin niya ay naluluha na siya habang nagmemensahe sa kanyang social media account.

Si Lara ay nagbigay ng napakagandang dulo sa kanyang mensahe na worth it ang sakit, stretch marks, body change at kahit sleepless nights!

Si Lara Quigaman ay isang beauty queen at nanalo noong 2005 sa Miss International pageant. Siya ay kasal sa aktor na si Marco Alcaraz at may dalawa na silang anak na si Noah at Tobias.

Credits:Kami