Kilalanin ang look a like ni Kitty Duterte na mula sa Negros Occidental

Naniniwala ka ba na mayroong isang chance sa 135 na possibilities na magkaroon ka ng doppelganger o look a like sa buong mundo? At may maliit lang na pagkakataon na makasalubong mo o kaya naman makilala mo ang iyong doppelganger, isang chance sa trillion na chances lamang ang posibilidad ayon sa Science Alert.

Para sa anak ng presidente na si Kitty Duterte, naging madali sa kanya ang paghanap ng kanyang doppelganger dahil kilala siya sa ating bansa.

Dahil sa social media maraming nakapansin na kamukha ni Kitty ang isang babae na taga Negros Occidental at alam natin na hindi lang siya ang madaling nahanapan ng kamukha kundi ang kanyang ama rin na si presidente Duterte, nagkaroon ng doppelganger na taga misamis oriental naman.

Ang tinaguriang “Long lost twin” ni Kitty Duterte ay isang high school student sa University of Negros Occidental-Recoletos.

Mapapansin natin sa picture na talagang magkamukha nga silang dalawa lalo na sa mga ngiti, mga mata at sa braces na kahit wala ito ay talagang doppelganger sila. Ang pangalan ng kanyang kamukha ay si Raymee Chrissia Hilado.

Sa pagkakahumaling naman sa paghahanap ng doppelganger ay mas natuwa ang maraming netizens dahil sa kamukha ni presidente Duterte na taga Misamis Oriental. Halos lahat ng pinoy ay pinaguusapan ang doppelganger ng presidente na nagtratrabaho sa Revenue Collection Office III sa Manticao Municipal Treasure’s Office na si Cresencio Estremus, siya ay 53 na taong gulang na ka look a like ng presidente Duterte.

Inimbitahan upang makausap ang doppelganger ng presidente pero di ito natuloy. Sa gayun pa man ay kilala niya ng mabuti ang presidente na lumalaban para maiwasan ang droga sa Pilipinas.

Kahit na walang interview na naganap sa ka look a like ni presidente Duterte ay naging sikat talaga ito sa social media at madalas pinagtatabi ang mukha ng dalawa upang pag kumparahin, kitang kita na doppelganger nga talaga ng presidente lalo na sa kanyang aksyon at hairstyle ay talgang parehas sa presidente.

Ang mayor sa Manticao ay natuwa rin dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon na magkamukha si Cresencio at ang presidente. Ang pinagkaiba lang ay ang kanilang taon ay medyo malayo sa isa’t isa.

Ikaw ba gusto mo makilala ang iyong doppelganger? Alam natin na nakakatuwa isipin na pagdating ng tamang panahon ay makakasalubong mo at makikilala mo ang iyong kamukha. Syempre hindi mawawala ang kaba ngunit mayroon din namang saya lalo na kung sikat at makapangyarihan ang taong iyong kamukha.

Credits: ShowbizRead