Sa sobrang yaman ng pinoy na ikakasal kinuha nilang wedding singer ang napaka sikat na Boyce Avenue!

Ang magkasintahan na ito ay kinuha nilang wedding singer ang napakasikat na Boyce Avenue. Sino ba naman ang di mababaliw kapag ikaw mismo ay isa sa mga bisita ng ikakasal at kung iisipin mo ang gastos para lang makuha nila, ang Boyce Avenue ay nakakaloka talaga ang presyo.

Dahil sila naman talaga ay mayaman hindi ka na magtataka kung bakit napakamahal ng kanyang wedding gown na sobrang bongga at syempre hindi sila papahuli sa kakanta para sa kanilang kasal upang maging memorable talaga ito sakanilang dalawa kaya kumuha sila nang sikat na artist sa ibang bansa para lamang kumanta sa kanilang kasal para mas maging memorable ito.

Alam natin na ang pagkuha ng ticket para lamang makapunta sa concert ng Boyce Avenue ay talagang napakamahal pero yung tipong kukunin mo sila para kumanta sa iyong kasal ay nakakaloka talaga isipin!

Dahil kumalat ito sa social media lalo na sa mga Pinoy, maraming nainggit at natuwa sa ginawa ng kinasal dahil kinuha nilang singer sa kasal nila ang Boyce Avenue.

At ang nakakagulat pa dito hindi lang isa ang nakuha nila kundi lahat ng miyembro ng Boyce Avenue!

Kilalanin ang crazy rich Pinoy Couple na ginawang possible ang impossible!

Si Shirley Vy ay singer na beauty queen pa! Kinasal siya kay Kevin Wong na isang businessman, sa isang bonggang kasal na naganap.

Kung iisipin mo ang kanilang bonggang kasal ay hindi naman talaga pinoproblema ang pera pag isa kang mayaman na tao.

Ang gown ni Shirley ay Ellie Saab bridal gown na nagkakahalagang $7,500 hanggang $27,000 ayon sa ABS-CBN.

Ang kanilang venue ay ginanap sa The National Shrine of St. Jude sa Manila kung saan ginawa nila na parang nasa hardin at may mga totoong bulaklak na palamuti kahit saan ka tumingin kahit na sa kisame ng lugar at mga ilaw na bongga talaga!

Ang reception naman nila ay ginanap sa Solaire Resort and Casino na ginawa rin nilang napakaganda na para bang nasa langit kana, bawat ikakasal na babae ay pinapangarap na sana maging maganda ang kanilang kasal na para bang ikaw ang princesa sa gabing iyon.

Ang kanilang cake naman ay 11 feet ang taas na nakalagay sa gitna, agaw pansin talaga ang cake nila sa kasal.

Kung sa palagay mo hindi pa sapat ang mga nabasa mo, ang international artist na Boyce Avenue ay nagpahinga muna sa kanilang US tour para lamang maka-attend sa wedding! Ang talent fee naman ay hindi pa nila nilalahad pero alam naman natin na napakamahal talaga ang pagkuha ng international artist lalo na ang Boyce Avenue.

Kinanta nila ang “Unchained Melody”, “Say you won’t Let go” at marami pang kanta.

Alam natin na si Shirley at Kevin ay mabibilang sa isa sa mga crazy rich sa ating bansa na may bongga ang kasal!

Credits: kami.com.ph