Isang babaeng hiwalay sa asawa, nagtangkang umibig muli dahil sa bilin ng kanyang ina bago ito mamayapa.

Isang 34-taon nagngangalang Lucy ay kagagaling lamang sa diborsyo. Iniwan niya
ang dating asawa sapagkat nalaman niya na mayroon pala ibang pamilya sa ibang lugar.
Sa pag-alis ni Lucy kasama niya ang anak nyang si Leo at bumalik sa kayang mga magulang na nag-lalako ng gulay at isda sa kalsada. Sa kasamaang palad ng panahon, si Lucy ay isa lamang house wife na nakapagtapos ng highschool kaya hirap din sya makapaghanap ng desenteng trabaho para sa kanilang mag ina pero hindi siya nawawlan ng pag-asa dahil para sa kanyang panganay kakayanin nya ito.

Source: Unsplash (All pictures are for illustration purpose only)

Nang lumipas ang ilang buwan dumating na naman ang panibagong pagsubok sa mag-ina ng maaksidente ang kayang mga magulang. Habang naglalako ng paninda ang kayang magulang ay nabangga sila ng isang rumaragasang kotse at hindi man lang huminto at humingi ng tulong, sa halip tinakasan ng nakabunggo ang mga magulang ni Lucy. Sa kahirapan ng buhay , hindi nabigyan ni Lucy ng gamot at pang ospital ang kanyang magulang hanggang sa namatay na lang sila. Ang huling habilin ng kanyang mga magulang “Alam kong masakit ang masaktan sa pagmamahal pero kailangan mo pa din buksan ang puso mo at magmahal muli.

Source: Unsplash (All photos are for illustration purpose only)

Sa habilin ng kanyang ina, binuksan muli ni Lucy ang kanyang puso para magmahal pang muli ngunit sa kasamaang palad ay naloko lamang siya sa mga sumunod niyang naging mga karelasyon at dumating pa nga sa puntong tinanong nya sa sarili nya na “Hindi ba ko pwedeng mahalin? Wala bang taong magmamahal sa akin ng tunay?” kasabay ng bigat at hagulgol na iyak ng kanyang nararandaman. Sumagot ang kanyang anak “Nay kahit anong mangyari sa atin , kahit sino pang taong dumating sa buhay mo, kahit tayong dalawa na lang ang matira sa mundo mahal na mahal kita nay.” Niyakap ng mahipit ni Lucy ang anak at nag desisyon na siya na ibubuhos na lahat ng pagmamahal at oras para sa kay Leo.

Source: Unsplash (All pictures are for illustration purpose only)

Ngayon ay si Lucy na ay may-ari na ng isang patahian na gumagawa ng mga damit at uniporme sa mga iskwelahan at companya.Kahit marami at patuloy pa din ang mga nanliligaw sa kanya ay inilaan nya na ang lahat para maging masaya ang kayang nag iisang anak ng sa gayon ay hindi niya maransan muli ang dagok na napagdaanan nila noon.

Nagmahal, umasa at paulit ulit na nasaktan ngunit sa lahat ng nangyaring iyon ay patuloy pa rin na nagmahalan ang mag ina kahit na hindi na sila naging buong pamilya ang mahalaga ay randam nilang buong buo ang kanilang pagmamahalan bilang mag ina.

Sana maging inspirasyon ang istorya ni Lucy at wag kakalimutan na iparandam sa mga taong nagmamahal sa inyo na mahal nyo sila bago sila mawala.