Anak ng isang sundalong nadale sa giyera, inabandona rin ng kanyang ina nang sumama sa ibang lalake. Ang naging buhay ngayon ng batang ito, Alamin!

Si Kenan ay isang milyonaryo na hindi katulad ng iba, sapagkat siya ay naulila mula pa lang ng siya’y makatapak ng highschool.

Ang kaniyang ama ay nakasama sa mga nalagas na sundalo sa laban para sa Zamboanga, at dahil dito siya ay naiwan kasama ang kaniyang ina at dalawang kapatid na noon ay mga musmos na mga maliliit na bata lamang.

Source: Pexels (All photos are for illustration purpose only)

Nabuhay naman ng matiwasay ang mag-anak, sila’y nakatatanggap ng pension mula sa gobyerno para sa serbisyo na binigay ng ama niyang sundalo habang nagtatrabaho bilang labandera ang kanilang ina, ngunit nagbago itong lahat nang mamatay ang bunso nila sa pamilya.

Namayapa sa polio ang bunsong kapatid ni Kenan, at dahil dito naubos ang kanilang pera sa pag-asa na magamot pa ang kaniyang kapatid.

Napariwara ang kanilang ina at iniwan si Kenan at kaniyang nakababatang kapatid na mag-isa sa bahay nila sa isang gabi ng Setyembre, kuwento ni Kenan.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat.

Si Kenan ay nagpursigi, at sa tulong ng kaniyang mga kapitbahay at mga guro, siya’y nakapagtapos ng highschool bilang isang valedictorian.

Source: Pexels (All photos are for illustration purpose only)

Mula dito, tinulungan siyang makapagkolehiyo ng kaniyang punong guro, at natupad niya ang kaniyang pangarap, ang maging isang matagumpay na negosyante.

Si Kenan ngayon ang may-ari ng kilalang rentahan ng DVD at CD na pinangalanan niyang “I-Ken-Rent”, na ngayon ay kumikita ng daang milyon kada taon at kilalang pinakamalakas na rentahan ng DVD at CD.

Ang kaniyang hilig sa mga pelikula ang nag-udyok sa kaniya na magtayo ng ganitong negosyo, at mula dito napagtapos niya din ng pag-aaral ang kaniyang kapatid at ngayo’y nakatira sa Makati sa isa sa mga pinakamalalaking bahay doon.

Naikwento din ni Kenan na hindi nawala sa isip niya kahit isang beses ang kanilang ina, ngunit nahirapan siyang maghanap ng paraan upang makapiling muli ito sapagkat mahirap ang naging simula ng kaniyang negosyo at tinutukan pa niya ang pagtatapos ng kaniyang nakababatang kapatid.

Isang araw ay nagpahanap ng dagdag na kasambahay si Kenan na mag-aalaga sa kanilang mansyon at sa laking gulat nya ay andun sa mga taong pumunta ang kanyang ina.

Pagkakita pa lamang niya sa kanyang mukha ay alam na niya agad na siya na nga ang matagal nang nawawala at nag-ulila nilang ina.

Source: Pexels (All photos are for illustration purpose only)

Di umano’y mayroong panahon na nagpalaboy-laboy ang kanilang ina sa mga kalye, at nang malaman niyang naghahanap ng kasambahay ang isang mayaman sa lugar na kinatitirikan ng kaniyang maliit na barong-barong ay agad itong pumunta.

Hindi maitago ni Kenan ang kaniyang galak ng maikwento niya sa amin ang isang kwento na maaaring makita lamang sa mga libro at kathang-isip na kwento, at palaging magiging mapagpasalamat si Kenan sa kanilang muling pagsasama ng kanilang pamilya.