Waiter, napahiya nang palabasin ang isang customer na isa palang negosyante at shareholder ng restaurant na kaniyang pinagtatrabahuhan

Isang waiter ng isang kainan sa Bacoor City ang napagalitan ng kaniyang manager sa pagapapalabas ng isang customer sa kadahilanan na siya ay “nakasuot ng hindi angkop na kadamitan”.

Source: Pexels (all pictures are for illustration purpose only)

Ang bente anyos na waiter na si Dan Maño ay napagsabihan ng kaniyang manager at kaibigan mismo ng pinalabas niyang negosyante na si Lau Sytinco.

Sinabi ni Dan na “si sir Lau po ay nakatsinelas lang pagpasok, maulan po sa labas at hindi pa po napunasan ng maayos ung tsinelas niya kaya maputik tuloy yaong sahig pagpasok niya.” bukod pa dito, si Lau din daw ay masyado nang maingay nang siya ay malasing ng ilang bote ng champagne na sunod-sunod niyang inorder mula sa waiter na si Dan.

Source: Pexels (all pictures are for illustration purpose only)

Ano naman ang masasabi ni Lau Sytinco, isang negosyante at shareholder ng restaurant, sa pagpapalabas sa kaniya?

Nang aming tanungin si Lau, iba sa inaasahan naming sagot ang kaniyang sinabi, sapagkat pinuri pa niya ang waiter na nagpalabas sa kaniya sa restaurant na kaniyang pinamuunuan din.

Sa aming panayam kay Lau, sinabi niya na natutuwa siya at “commendable” ang ginawa ni Dan, na dapat siya ay tularan ng mga kapwa niya waiter lalo na kung nagugulo na ang buong restaurant dahil sa isang mayamang lasenggero. “The kid’s got guts. Wala siyang pakialam kung sino man ako and I like that. Oo, alam ko hindi siya bouncer, pero ginawa niya kung ano ang makabubuti para sa peace and order ng restaurant namin”.

Source: Pexels (All pictures are for illustration purpose only)

Ilang mga salita naman mula kay Dan, na napagalitan at napuri ng sabay

“Nagulat na lang ako, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Sabi ng manger ko ang bobo ko daw, pero nung kinausap ko si sir [Lau Si], sabi niya very good daw ako. Hindi ko na lang ininda, ang alam ko tama ginawa ko. Wala man dress code restaurant namin, hindi pa din katanggap-tanggap yaong pinakita ni sir [Lau]”.

Dagdag pa niya na naramdaman niya na naganapan niya ang trabaho niya, di lamang bilang waiter kung hindi bilang parte na din ng restaurant na iyon.

Sabi niya din na bilang isang manggagawa, dapat ang kanilang pinagtatrabahuhan ay maayos tignan at kaaya-aya, hindi lang para sa mga customer na kumakain kung hindi pati na rin sa produktibo nilang pagkilos, upang magampanan nila ng maayos ang kanilang mga trabaho bilang mga waiter.