Panoorin kung paano sinakripisyo ng Aso ang sarili upang mailigtas ang bata sa atake ng isang makamandag na ahas.

“Dogs are man’s bestfriend”. Ang aso ang isang hayop na pinakamalapit sa mga tao dahil mabilis netong nararandaman at naiinitindihan ang damdaming nating mga tao.Maraming tao itinuturing ang aso bilang isa sa kanilang pamilya. Sila ang kadalasang nagbabantay sa bahay, nagaalaga ng mga kanilang amo ,maghihintay sa pagbabalik ng amo pero sa videong ito makikitang sinakripisyo ng aso ang kanyang sarili mailigtas lang ang bata sa pitong metrong makamandag na ahas.

Source: Jim McCormick Facebook

Dalawang bata na naglalaro sa kanilang bakuran ng habulan. Sa paglalaro hindi nila napansin na may nagbabadyang panganib sa paligid nila. Isang pitong metrong makamandag na ahas ang umaaligid sa dalawang bata ngunit na pansin ito ng kanilang aso. Nang inatake ng aha ang isa sa mga bata ay dali dali ang kanilang asong bahay na umaksyon. Tumakbo ito palapit sa ahas at pinabayaan ang sarili na masakmal kapalit ng bata. Inalay ng aso ang sarili upang iligtas ang bata.Narandaman ng bata kung gaano napulupot ang kanilang aso at nagmadali itong tawagin ang kanilang ama na nagpuputol ng mga punong kahoy sa gubat. Dumating ang tatay na may bakal na pamukpok upang ihampas sa ahas ngunit patuloy parin nitong pinupulupotan ang kawawang aso.

Source: Jim McCormick Facebook

Kahit ramdam ng mga bata ang panganib ng ahas umaapaw ang pagmamahal at emosyon neto sa kanilang kapamilyang aso at tumulong sa pamamagitan ng pagbato ng mga bagay na maliliit sa ahas at nang na ipit na ng tatay ang ulo ng ahas , nagmadali ang dalawang bata na hatakin ang kanilang aso palabas sa pulopot ng ahas. Sa kadakilaan ng kanilang aso at pagtutulungan nilang tatlong magkakapamilya, nailigtas nila ang aso sa pagsakmal ng ahas at naiiwas ang dalawang bata sa kamandag ng ahas.

Source: Jim McCormick Facebook

Marahil hindi kayang magsalita ng aso tungkol sa kanyang nararandaman katulad nating mga tao pero sa ginawa niyang sakripisyo naipakita niya na mahal niya ang kanyang amo at naiparandam nya na bahagi sya sa pamilya. Kaya maganda din mag-alaga ng aso hindi lang dahil bantay niya ang bahay kung hindi may naghihintay at sasalubong sa inyong pag-uwi. Lalambingin ka kapag malungkot ka at higit sa lahat ibibigay nila ang buong pagmamahal nila sa kanilang mga amo hindi bilang alaga kung hindi bilang isang bahagi ng pamilya na nag-aaruga at nagmamahal. Tandaan, mahalin at ituring nating pamilya hindi lang ang aso kung pati na rin ang iba pang uri ng mga alaga ng sa gayon ay maibalik din nila ang pagmamahal na binigay nating mga amo.

Source: Jim McCormick Facebook