Aso na tapat sa amo, hindi umaalis kahit na ito ay inaabuso ng may-ari

Isang aso na binansagang “Hachiko” ng Camarines Sur, ilang beses nang minaltrato ng amo pero hindi pa din ito naalis sa tabi ng bahay ng kaniyang amo, kahit na inalis na ang dog house nito sa labas ng bahay.

Di mawari ng mga kapitbahay nitong may-ari kung bakit ganito na ang trato niya sa kaniyang tapat na aso, sapagkat dati naman ay napakalapit ng asong ito sa puso niya, sobrang lapit na nakuwento pa nila na natutulog pa ang aso na ito sa kaniyang kama.

Ano naman kaya ang nagtulak sa mabait na among ito para saktan ang kaniyang napakatapat na aso?

Hindi namin makapanayam ang may-ari ng aso mismo at dahil dito ang mga kapitbahay na lang niya ang aming kinausap.

Isang kapitbahay na nagngangalang Claudette ang nagsabi sa amin na ang may-ari ng bahay ng amo ni “Hachi” ay mag-isa lamang na nakatira sa malaking bahay niya.

Dagdag pa ni Claudette ay “Dati may girlfriend yan, kasama nyan jowa nyan palagi oo, akala nga namin na mag-asawa sila, pero mali pala kami”, at ang aso na si Hachi ay kasama na nila mula pa noong simula ng kanilang relasyon.

Source: Pixabay (Picture is for illustration purposes only).

Ang isa pang kapitbahay na nagngangalang Faith ay nagsabi naman na maaaring dahil ito sa pagkawala ng kaniyang girlfriend, na noong nakaraang buwan lamang umalis sa bahay nila, mga panahon kung kailan sinasaktan na si Hachi ng kaniyang amo.

Dagdag pa ng isa pang kapitbahay na ayaw magpakilala ay matagal nang nakatira ang lalaki na may-ari kay Hachi, bago pa man siya magkaroon ng kasintahan na palagi na niyang kasama bilang live-in partner.

Bilang isang tao na matagal nang nakatira mag-isa, hindi malayo na kung mawala man ang mga tao o bagay na mahalaga sa kaniya ay magkakaroon ng malaking epekto sa kaniya, sa pagtrato niya sa iba, pati na din sa kaniyang aso.

Ano naman ang ibig sabihin nito para sa kaniyang aso na si binansagang Hachiko?

Madaming beses nang sinubukan ng mga tao sa komunidad nila na kunin si Hachiko sa awa nila sa asong ito, pero hindi pa din pumapayag ang aso at pumapalag pa kapag sinusubukan itaboy mula sa bahay na para binabantayan pa din nito ang kaniyang amo.

Sinubukan na din ng mga kapitbahay ni Hachi na itawag siya sa lokal na barangay upang makuha at maalagaang mabuti, ngunit tulad ng sa mga kapitbahay, kahit ano pa ang gawin nila hindi ito sumasama sa kanila, at ang ginagawa na lamang nila ay bigyan man lang ng pagkain at tubig ang aso na araw-araw naghihintay para sa kaniyang amo na mahalin sya muli.