Dating magnobyo, pinagtagpo muli ng kapalaran nang mga anak naman nila ang magkasintahan ngayon

Source: Pexels (All pictures shown are for illustration purpose only)

Ang kwento nila Mark Estrella at Marie Dela Cruz ay hindi katulad ng mga love story na ating kinalakihan at kinahiligan. Dating magnobyo, sila’y pinaghiwalay ng kanilang mga magulang sapagkat mayroong away ang kanilang mga pamilya na hindi na maresolba, kahit ng pag-iibigan ng dalawa. Lumipas din ang panahon at sila’y nagkalimutan at nagkaroon ng sariling mga pamilya, ngunit ngayon naman ang kanilang mga anak ang nahumaling at nag-iibigan sa isang mapaglaro na kapalaran.

Ano ang masasabi ng dating magnobyo sa kani-kanilang mga anak na ngayon ay nagmamahalan bilang magkasintahan?

Source: Pexels (All pictures shown are for illustration purpose only)

“Hindi ko inaasahan na makita muli si Marie, ilang dekada na rin matapos ang huli naming pagsasama. Halata naman na ngayon ay masaya na siya, balita ko nga ay hindi lang si Maria ang kaniyang anak” ika ni Mark, na ngayo’y tila nagulat sa pangyayaring ito.

“Di ko mawari na mangyayari ito. Siguro di din naisip ni Mark na magtatagpo pa din kami, pero bilang mga magulang ng mga anak naming magkasintahan. Napakaliit nga naman ng mundong ating kinatitirikan” sagot naman ni Marie nang siya’y aming tanungin.

Sabi pa nila na mabait naman ang kanilang magkasintahang anak sa isa’t-isa, at tuloy nila itong pinapayuhan sa usaping pag-ibig.

Ibig bang sabihin nito ay pasado na ang kanilang anak para maging magnobyo?

Pareho naming tinanong ang dating magnobyo at ang masasabi nila ay nasa kanilang mga anak na ang desisyon kung kanilang ipagpapatuloy pa ang kanilang pagmamahalan.

Source: Pexels (All photos shown are for illustration purpose only)

Ika pa nilang dalawa na hindi na nila gagawin ang ginawa sa kanila ng kanilang mga magulang, at hanggang wala namang ginagawang masama ang kanilang mga anak sa isa’t-isa, ayos lang na magkasintahan sila.

Ano naman ang masasabi ng magkasintahang sila Maria at Marco na ngayon lang nalaman ang kasaysayan ng kanilang mga magulang?

“Nagulat kaming dalawa as in, di namin inexpect” sabi ni Marco. “Small world nga naman sabi ng mga matatanda. Ewan, di na lang namin iniinda. Ang nakaraan nila ay di makahahadlang sa pagmamahalan naming dalawa ni Marco. Mahal namin ang isa’t-isa at walang makapagbabago doon, kahit ang nakaraan ng aming mga magulang.” sagot naman ni Maria.

Sabi pa nila Mark at Marie na sila ay natutuwa at ang kanilang mga anak ay nakahanap ng mamahalin na paniguradong para sa isa’t-isa, na kahit hindi man sila ang nagkatuluyan sa huli, maitutuloy pa din ang love story na ito salamat sa kanilang mga anak.