Super kuneho! Isang matalinong kuneho ang nagligtas sa isang pusang natrap sa butas

Alam natin na ang rabbit o kuneho ay cute at mapagmahal na alagang hayop. Karamihan sa atin ay nangarap na magkaroon ng alagang rabbit habang mga bata pa tayo noon, hindi natin maiwasan na mag-isip ng mga ganitong bagay lalo na kapag makikita natin sila kumain ng carrot at celery na walang sawa, sila ay napa cute at adorable!

Source: Daily Mail

Ang mga rabbits ay sobrang nakakatuwa lalo na pag nakikipagkulitan ang mga ito. Mahilig sila makilaro sa mga katulad nilang rabbits at habang pinapanuod mo sila ay sobrang nakakatuwa. Hindi lang sa mga katulad nila sila mahilig kundi sa mga aso’t pusa rin. Ang rabbits ay napakafriendly kaya naman maraming tao ang mahal na mahal ang kanilang mga alagang rabbit kasama pa ang ibang mga hayop katulad ng aso, pusa at iba pang pwedeng alagaan sa bahay.
Isa sa mga rason kung bakit gustong gusto ng mga tao ang rabbit ay dahil mababait at mahihinahon lang ang mga ito. Katulad na lamang dito sa video na nakuhaan, tungkol sa rabbit at pusa. Maraming netizens ang natuwa sa video na ito.
Ang video na ito ay nagpapakita ng rabbit na tinutulungan ang pusa dahil nasa loob siya at hindi makalabas, parang naging superhero ang rabbit dahil sa ginawa nito. Noong una, ang may ari ng rabbit ay nagtataka kung bakit nakabantay ang rabbit sa may silong. Dahan dahang hinuhukay ng rabbit ang lupa habang may sinisilip sa loob. Hindi siya tumigil sa kakahukay ng lupa hanggang sa makita na ang kanyang rason kung bakit niya ginagawa iyon.

Source: Daily Mail

Maraming netizens ang nag komento at nagshare sa video na ito dahil parang may relasyon daw ang rabbit at pusa. Ang mga ganitong mga pagkakataon ay hindi masyadong nasasaksihan kaya naman dapat ipamalaki ng may ari ng rabbit na siya ay maswerte sa kaniyang alaga.

Credits: Daily Mail Facebook