Panoorin kung paano ipakita ng dalawang nakatatanda na ito ang totoong “Relationship Goals”

Pwede nating sabihin na ang totoong relationship goals ay ang pagtanda nang magkasama pa din kayo. Sa hirap at ginhawa, sa lahat ng pagsubok at kasiyahan, hinding-hindi pa din kayo naghihiwalay at magkasamang hinaharap ang bukas. Para sa ating lahat, ito ang totoong relationship goals. Pero kung hindi pa din kapani-paniwala sa inyo, tignan mo ang nakakaantig na kwento ng mag-asawang ito.
Sa isang viral video sa facebook, makikita ang dalawang senior citizen na magkasama. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang magkasintahan sila. Makikita sa video na magkasama silang nakaupo sa sofa at naka upo si lola sa hita ni lolo. Ang nakakakilig dito ay kung paano patulugin ng lolo ang kanyang kasintahan. Habang nakapatong si lola sa kanya, ay dahan-dahan niya itong hinahaplos sa likod at inuuga ang sofa para makatulog siya. At may tumutugtog din na musika sa likod. Nagmimistulang hine-hele ni lolo ang kanyang kasintahan. Ginagawa niya ito dahil sila’y matanda na parehas at nahihirapan na rin silang makatulog mag isa.

Source: Facebook

Bagama’t maikli at napaka-random ng video na ito, maraming netizen ang nahumaling at kinilig sa napaka-sweet na pagpapahayag ng pagmamahal ni lolo sa kanyang sinisinta. Kahit wala ka mismo sa tabi nila, mararamdaman mo talaga ang matinding pagmamahal ni lolo kay lola at talaga nga namang malulusaw ay iyong puso dahil sa kanila. Kahit na matanda na sila ay hindi pa din nawawala ang kanilang ‘spark’ sa isa’t isa.

Dahil maraming kinilig at na-inlove sa magkasintahang senior citizen na ito, samu’t saring sweet na mga komento ang natanggap ng video. Marami din nag-tag na netizen ng kani-kanilang mga nobyo at nobya, para maiparating sa kanila ang tunay na pag-ibig.
May nagkomento ng, “Sana hanggang tumanda tayo mahal, ganito tayo. Sorry sa lahat ng mga pagkakamali ko. Alam ko minsan sablay mga nasasabi ko. Pero sana maintindihan mo ko. Mahal na mahal ko kayo ni Bleng ng sobra. Minention ko na lang dito. Baka kasi ‘di mo tanggapin sorry ko sa chat. Iloveyou both.”

May nagkomento din ng, “Ganyan ang ginagawa ng aking lolo kay lola. Naalala ko silang dalawa sa kanila at sobrang namimiss ko na sila. Gagawin ko ang lahat maibalik lang sila sa mundo.”
May nagkomento din ng, “Kahit na palagi tayong nag-aaway, ikaw pa din ang gusto ko, at ikaw pa din ang pipiliin kong makasama sa araw-araw hanggang sa dulo ng ating buhay. Mahal na mahal kita papa. At mahal na mahal din kita anak. I love you!”
Talaga nga naman punong-puno ng pag-ibig ang mundo. Ang kailangan lang natin para maging maayos ito ay ang pag-ibig. Sabi nga nila, “love can move mountains”, at hindi naman ito mahirap paniwalaan.

Source: Zero_fucksgirl – sassy girl facebook