Panoorin! Kantang ‘Dahil Sayo’ Ni Iñigo Pascual, ginawan ng sariling version ng isang pamilya

Sabi nga nila, ang ama ay ang haligi ng tahanan. Sila ang nagbibigay sa atin ng ating pang araw-araw na pangangailangan. Sinisigurado nilang mayroon laman ang ating hapagkainan sa tuwing tayo ay kakain. Sinisigurado nilang mayroon tayong lugar na masisilungan at matatawag na tahanan. Sila ang ating gabay at taong sumusuporta at pumoprotekta sa atin sa lahat ng bagay. Handa silang gawin ang lahat upang tayo ay magkaroon ng maayos at maaliwalas na pamumuhay.

Source: Japer Sniper Facebook

Kung narinig niyo na ang meme na “so weird” ay malamang pamilyar na kayo sa netizen na ito at sa mga kwela niyang mga videos. Siya ay si Japer Sniper. Isang video niya uli ang nag viral dahil sa nakakaantig at kwelang laman nito. Ito ay ang kanyang alay na kanta, para sa kanyang pamilya na punong-puno ng pagmamahal at pagpaparangal sa kanila. Ngunit hindi lang ito basta ordinaryong kanta. Kung kilala niyo si Inigo Pascual, ay malamang alam niyo na din ang kanta niyang “dahil sayo”. Ito ang ginamit na kanta ni Japer Sniper sa kanyang video, ngunit ang mga lyrico nito ay kanyang pinalitan para masabing kanya mismo ang kanta na ito.
Ang video daw na ito ay family bonding ni Japer sa kanyang pamilya, na kung saan kakantahan at kukulitin niya ang mga ito. Halatang isang mabuting ama si Japer sa kanyang pamilya dahil handa niyang gawin ang lahat, maging katawa tawa man siya, mapasaya niya lamang ang mga ito. Hindi niya lang napatawa at napasaya ang kanyang pamilya kundi pati na din ang mga netizens na nakapanood ng video niya.

Source: Japer Sniper Facebook

Mula sa lyrico ni inigo na, “Araw araw ikaw ang gusto kong kasama, Buhay ko’y kumpleto na tuwing nandidito ka, Sa tabi ko o aking giliw ‘di pa din ako makapaniwala, Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na”, pinalitan ito ni Japer ng “Araw-araw sila ang gusto kong kasama. Mga chikiting na guwapa, At partner ko sa ah ah. Kakwentuhan ko ang aking misis, kakulitan ko ang aking mga babies. Ano pa bang kulang pa, kami’y kumpleto na”.
Habang kumakanta si Japer, mapapansin na talagang tuwang tuwa ang kanyang pamilya, at mapapansin din na masayang-masaya si Japer sa kanyang pamilya.

Source: Japer Sniper Facebook
At sa chorus, sa kanta Inigo, sinasabing, “Dahil sa’yo, ako’y matapang, Dahil sa’yo, ako’y lalaban, Para sa’yo, pagmamahal na walang katapusan, Dahil sa’yo, merong pangarap, Pagmamahal ko sayo’y tapat, Para sa’yo, pagmamahal na higit pa sa sapat, Gagawin ko ang lahat para lang sa’yo sinta, At basta’t nandito ka ako’y liligaya”, samantalang ang bersyon naman ni Japer ay, “Dahil sa inyo ako’y matapang, dahil sa inyo ako’y lalaban. Para sa inyo ang pagmamahal ko’y walang katapusan. Para sa inyo ako’y may pangarap. Pagmamahal ko sayo’y tapat. Para sa’yo ang pagmamahal ko’y higit pa sa sapat. Gagawin ko ang lahat para lang sa kanila. Dahil sobrang saya ‘pag buo ang pamilya.” 

Talaga nga namang di nakakapagtaka kung bakit maraming netizen ang naantig sa kanta ni Japer dahil punong-puno ito ng pagmamahal at pagpupugay para sa kanyang pamilya. Para sa mga anak niya at pati na din sa kanyang asawa. Mabuhay ka Japer, isa kang ulirang ama.

Credits: Japer Sniper Facebook