Paano nga ba paliguan ng tama ang baby? Alamin!

Ang pagiging ina ay isa sa makapagbabago ng iyong buhay, dahil maraming responsibilidad ang dapat mong harapin at tanggapin. Katulad nalang ng iyong routine araw-araw at prayoridad bilang isang ina. Alam naman nating lahat na ang isang ina ay gagawin lahat kung ano ang pinakamagandang paraan para maging mabuti ang paglaki nang kanyang anak.
Ang pagbibigay ng mga materyal na bagay, edukasyon, at higit sa lahat ang maging mabuti ang kalusugan ay mga paraan ng isang magulang para magampanan nila ang kanilang tungkulin at para maiparamdam sa kanilang anak kung gaano nila ito kamahal at siyempre kung ano ang makakabuti sa mga bata.

Source: Celebmagazine.net
Karamihan ng mga bagong magulang ay kumukuha din ng ideya sa mas nakakaalam o may experience na pagdating sa pag-aalaga ng baby. Dahil sa mga nakukuha nilang mga ideya ay natututo na rin ang mga bagong magulang kung paano alagaan ng mabuti ang baby. Katulad na lamang ng video na ito na ipinamahagi kung paano magpaligo ng bata, mahahanap ito sa Trendzilla na pinamahagi ng Babycare Viet Youtube Channel.
Source: Celebmagazine.net
Sa video na ito, may isang baby’s caregiver kung saan pinapakita na pinapaliguan niya ang baby, kung mapapanuod mo ng mabuti pinapakita ng baby’s caregiver kung paano magpaligo ng tama step by step. Makakatulong itong video na ito sa mga bagong ina kung paano pinapaliguan ng tama ang mga baby na pwede nila makuhang ideya para gawin sa anak nila at mas maging ligtas ang pagpapaligo sa baby.
Source: Celebmagazine.net
Makikita sa video na pinupunasan niya ng malinis at malambot na tela ang ngipin ng baby ngunit kailangan dahan dahan lamang. Sumunod naman ang pagpunas ng mukha ng baby para maging malinis ito, alam natin na sensitibo ang balat ng baby kaya naman ay dahan-dahan lamang ang pagpunas sa mukha para hindi masaktan ang baby.

Pagkatapos niya punasan ang mukha at ngipin, ang sumunod na ginawa niya ay naglagay siya ng konting sabon sa kanyang kamay para ilagay sa buhok ni baby at dahan-dahan din itong i-massage sa ulo ni baby para hindi ito masaktan. Naglagay din ang caregiver ng dalwang paliguan para makapaglaro saglit si baby.

Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagtanggal ng damit ni baby at dahan dahan niya binasa ang katawan habang nilulublob ng konti ang katawan ni baby para ma-relax ito. Ang paraan ni caregiver ay sobrang banayad at halatang relax lang si baby habang nililinisan ang kanyang ulo hanggang paa na hindi umiiyak.
Panigurado na ito ang isa sa pinakamagandang paraan kung paano paliguan ang baby.

Credits: celebmagazine / titosandtitasofmanila facebook