10 pamamaraan upang mapagaling ang mga nasisirang ngipin at gums

Ang gum recession ay isang uri ng sakit sa ngipin kung saan ang gums ay unti-unting umuurong pabalik at hinayaan ang ngipin na malantad sa mga posibleng bacteria na makakasira dito. Kung lumala ang kondisyon nito, maaari rin ma-expose ang mga root canals ng ating ipin at magdulot ng matitinding sakit pag ito ay mainitan o malamigan, o pangingilo sa madaling salita. Kapag hindi naagapan ang sakit na ito, maaaring matanggalan ka na din ng ngipin dahil sa matinding pinsala na maidudulot nito sa bone tissues ng ating ngipin. Ang gum recession ay maaaring hereditary, o naipapasa sa pamilya, o kaya naman pwede din makuha dito sa pagsisipilyo ng madiin at malakas. Nakukuha din ito kapag pinapabayaan natin ang ating dental hygiene, o ang hindi pagsisipilyo araw-araw at pagkain ng mga bagay na maaaring makapag-bigay ng cavities. Ngunit maaari pang maagapan ito gamit ang 10 natural na remedies na ito:

1. Pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin

Source: Apost
Nakakatulong ito para mawala ang pananakit ng gums o ngipin. Maaari rin makatulong ito upang mabawasan ang gum recession o mapigilan ang pag urong nito. Simple ang kailangang gawin para dito. Kumuha lang ng maligamgam na tubig at lagyan ng asin. Hindi naman kailangang marami ang ilagay na asin, pwede na ang sandampot nito. Pagkatapos ay haluin at mumugin ng 15 o higit pang Segundo. Maaari mo itong gawin ng tatlong beses sa isang araw.

2. Pagmumog gamit ang sesame seed oil

Source: Apost
Kakaiba man, ngunit epektibo raw ang paraan na ito. Sinasabi nilang ang sesame seed oil daw ay nakakatulong para mabawasan ang pamamaga at pananakit ng gums at ipin. Antibacterial din ang sesame seed oil, kaya maaaring mapuksa din nito ang mga germs na nasa bunganga mo. Magmumog ng sesame seed oil ng 15 na minuto at magbanlaw ng tubig pagkatapos. Pwede na itong gawin isang beses sa isang araw.

3. Pag inom ng chamomile tea

Source: Apost

Ang chamomile tea ay antiseptic at anti-inflammatory rin. Ibig sabihin, nakakabawas din ng sakit at ng bacteria ang tsaang ito. Kapag mag titimpla nito, haluin muna ng maigi at hayaan matunaw ang tsaa sa tubig. Maghintay ng 10 minuto bago ito inumin. Pwede mo itong gawin ng 3 beses sa isang araw.

4. Ang pag gamit ng tea tree oil

Source: Apost

Ang tea tree oil, kagaya ng mga nauna, ay anti-inflammatory din o nakakatulong sa paggamot ng namamagang gums. Ngunit ang kakaiba dito, ay isa din itong antibiotic, na pumupuksa din sa mga bacteria na nasa loob ng ating mga bunganga. Simple lang ang kailangang gawin para dito. Ang kailangan lang ay iapply dito sa ating toothpaste bago tayo magsipilyo. Pwede na ang dalawa o tatlong patak nito sa toothpaste. Pwede itong gawin dalawang beses sa isang araw ngunit hindi pwedeng araw-arawin. Pwede lamang itong gawin dalawang beses kada isang linggo.

5. Paggamit ng coconut oil

Source: Apost
Katulad din ito ng tea tree oil. Pwede mo itong ipalit sa toothpaste mo kapag may nararamdaman ka ng pananakit sa gums o kaya naman ay pansin mo na may sakit ka na dito. Ang kailangan lang dito, ay ihalo ito sa baking soda at ito muna ang gawing toothpaste. Pwede itong gawin ng isa o dalawang beses sa isang lingo.

6. Pagmumog ng Myrrh tincture

Source: Apost
Ang myrrh tincture ay uri din ng langis na ginagamit para maibsan ang pananakit ng gums. Ito ay ginagawang mouthwash na pwedeng gamitin araw-araw pagkatapos mag sipilyo. Kailangan lang magpatak ng 10 hanggang 12 sa maligamgam na tubig bago gamitin.

7. Pag inom ng cranberry juice

Source: Apost

Ang pag inom daw ng cranberry juice ay nakakabawas sa mga posibleng gum infections na makuha natin. Ang kakulangan daw sa vitamin C ay ang kadalasang sanhi ng mga oral infections. Iba pang pwedeng gawing kapalit sa cranberry juice ay red pepper, broccoli, papaya, strawberries, grapefruit, lemon, orange, at calamansi. Lahat ng mga ito ay epektibong nagbibigay ng vitamin C sa atin.

8. Pag inom ng green tea

Source: Apost

Sinasabi nilang ang pag-inom ng isang baso ng green tea ay nakakabawas sa pagdurugo ng ating mga gums, binabawasan ang gum recession at nilalakip ng husto ang gums sa mga ngipin, at binabawasan din nito ang mga posibleng maging gum infections. Ang pag inom ng mas maraming baso ng green tea ay mas nakakabuti pa sa ating oral hygiene.

9. Paggamit ng septilin vitamins

Ayon sa pananaliksik, ang bitaminang ito raw isang tradisyonal na ayurvedic medicine. Ayon sa marami, pagkatapos daw nilang gamitin ang bitaminang ito, ay umayos agad ang kanilang mga gums sa loob lamang ng tatlong linggo. Nakakabuti rin daw ito sa ating immune system at nakakawala ng pamamaga ng gums at ipin.

10. Paggamit ng dental floss

Source: Apost
Pamilyar na tayong lahat sa paraan na ito. Nakakatulong itong tanggalin ang mga tinga na naipit sa ating mga ngipin na maaaring maging sanhi ng samu’t-saring bacteria na pwedeng makasira sa ating gums at ngipin. Hindi naman kailangang gawin ito araw-araw, ngunit mas makakabuting ugaliin ang pag floss para na din maiwasang makakuha ng mga oral infections.

Maraming tao ang hindi nakakapansin sa sakit na gum recession. Kapag ito ay napabayaan, maaaring makakuha ng samu’t-saring infections sa bunganga na makakasira sa ating mga killer smile. Kaya kung hindi ka sigurado sa iyong oral hygiene, mas mabuting mag patingin na agad sa dentista upang maagapan ang kung ano mang nagbabadyang sakit sa ating mga bunganga. Nasubukan mo na ba ang iba sa ating mga remedies na nabanggit?

 

Credits: Apost