Binatilyong bulag mula pagkabata, nakakita sa unang pagkakataon. Reaksyon ng kanyang ama, di inaasahan!

Isang araw, may mag amang sumakay ng tren. Kahit sa dami ng pasahero ay nagawa pa rin nilang makaupo at makakuha ng magandang posisyon upang makita ang magandang tanawin sa labas. Maganda ang panahon noong oras na iyon at maraming tao ang nasa labas upang mamasyal o di kaya ay pumasok sa trabaho. Lumingon sila sa may bintana at biglang tinawag ng binatilyo ang pansin ng kanyang ama at tuwang tuwa na sinabi: “Tay! Napakaganda ng tanawin sa labas, sobrang makulay ang mga puno, ang daming sasakyan, mga naglalakad na tao at matataas na gusali. Napakasaya ko talaga!” Nakangiting sagot ng kanyang ama, “Anak, habang papunta tayo sa ating destinasyon ay mas marami ka pang makikitang mga bagay na makakapagpasaya sayo, bukod pa sa mga bagay na nakikita mo ngayon.”

Source: Pexels

Patuloy ang pagkamangha ng anak habang sila ay papalapit sa kanilang bababaang istasyon. Sa sobrang saya ng paguusap nila ay di naiwasang makuha nila ang atensyon ng ibang mga kasabayang pasahero. May mga napapangiti, may napapatingin lang at meron ding nagtataka dahil sa pag astang isip bata ng binatilyo.

Source: Pexels

Di nagtagal ay may isang ginang ang naglakas loob na lumapit sa kanila at nagsabi: “Lubhang napakasaya ng inyong anak ngunit sa kanyang edad ay parang meron syang iniindang problema sa pag-iisip, maari ko kayong matulungan at mairekomenda sa isang magaling na doktor na personal kong kakilala upang sya ay masuri at magamot sa murang halaga.”

Source: Pexels

Sa ganoong mga salita ay maaring magalit ang ama sa kanyang narinig, ngunit di inasahan ng ginang ang naging tugon ng ama, “ang totoo po nyan ay kagagaling lang po namin sa isang doktor, ang anak ko po ay bulag simula pagkabata at ngayong araw lang po sya gumaling at nakakita.”

Lahat ng tao ay merong kani-kaniyang istorya. Huwag natin silang husgahan hanggat di natin sila nakikilala ng lubusan. Malamang ay masurpresa nalang tayo sa madidiskrubre nating katotohanan.