Panoorin! Isang Batang Babae, Tinalo Ang Mga Binabaeng Ito Sa Pagalingan Ng English

Ang turo sa atin ng mga teacher natin nung elementary pa lang tayo ay ang wikang ingles nga daw ay ang ating universal language dahil ito ay ginagamit kahit saan sa mundo, at halos lahat ng lahi ay marunong magsalita nito. Saan mang dako ng mundo, maari mo itong magamit upang makipag komunika sa iba’t ibang tao. Ngunit, mahirap matutunan ang salitang ito. Kailangan mo pang dumaan sa mahirap na pag aaral upang maging bihasa sa pananalita nito. Kasama na din dun ang paggamit ng mga accent. Ngunit karamihan sa ating mga kababayang Filipino ang mahuhusay sa pagsasalita ng wikang Ingles, at kasama daw ang mga Filipino sa mga pinakamagagaling magsalita ng ingles sa buong mundo.

Sa totoo nga niyan, ay nakunan lamang kamakailan sa isang facebook video ang dalawang batang babae na kayang-kayang magsalita ng wikang ito. Na tila ba ay pinanganak sila sa America. Ngunit ang mga batang ito ay purong mga pinoy. Ang video na ito ay inupload ng facebook page na “Pinoy Rap Video” at umani agad ito ng libo-libong mga views sa social media.

Makikita sa video ang dalawang bata na nakikipag argumento sa grupo ng mga bakla, na makikitang mas matanda pa sa kanila. Makikita din sa video na tuwang-tuwa ang grupo na ito dahil ang kanilang kadebatehan ay maraming baon na English! Sinasadya ng mga bakla na asarin at makipag debate talaga sa mga bata dahil bilib na bilib sila sa kanilang angking talento sa pagasasalita ng ingles at gusto pa nila itong makita. Tuwang-tuwa sila dahil ang ingles nila ay may accent pa. Aakalain mo talagang tubong ibang bansa ang mga bata.

Makikita mo nga namang parang sosyal talaga ang dating ng mga batang ito dahil sa uri ng kanilang pananalita. Para bang yun mga nakikita mo sa starbucks. Mas lalong naging sosyal ng sabihin nilang, “So what? I don’t even care,” and, “If you were the owner, where are your manners?” na may kasama pang accent. Nagpatuloy pa ang kanilang debate hanggang sa maputol na lang ang video. Mahahalatang tuwang-tuwa ang mga taong nakakapanood sa kanilang debate dahil sa kakaibang pananalita na mga bata.

Marami sa ating mga netizens ang namangha sa mga bata, dahil sa murang edad pa lamang nila, ay kuhang-kuha na nila kung paano magsalita ng maayos na ingles. Marami din ang nagsabi ng kani-kanilang opinyon tungkol sa video. Maraming natuwa at marami din naging concern dahil sa murang edad pa lamang nila, ay ganun na agad magkipag-usap ang mga bata na ito sa mga mas nakakatanda.

Sa tingin mo ba ay gusto mo din maging katulad ng mga magiging anak mo ang mga batang ito? Sa tingin mo, paano natin matuturuan ang mga bata na makapagsalita ng ingles ng ganito ka pulido? Importante pa bang matutunan ng mga bata kung paano mag salita ng ingles? Ibahagi ang inyong mga opinyon sa comment section sa ibaba.

Credits: Pinoy Rap Radio