Isang 14-anyos na babae ang natagpuang wala ng buhay dahil sa paggamit ng cellphone habang natutulog

Sa panahon natin ngayon, masyado na tayong nakadepende sa ating mga smart phones. Kahit saan tayo magpunta, dala-dala na natin ito. Ang simpleng aparato dati na ginagamit lamang na pang text at pantawag sa mga kaibigan at kapamilya, ngayo’y naging buhay na natin. Dito na din halos umiikot ang ating mundo. Sa social media, sa messages, sa panonood ng video, sa paglalaro ng games, at kung ano pa man. Ito ang ating laging ginagawa. Parang hindi na tayo kumpleto, pag wala ang ating mga smart phones.

Source: Pexels
Dahil sa sobrang dikit na natin sa mga smart phones, ito na ang una at huling bagay na ating kukunin sa ating araw. Paggising, bubuksan ang cellphone upang mag check ng updates sa facebook, twitter, Instagram at kung ano pa mang social media networks, at bago matulog ay ito pa din ang ating hawak. Parang naging araw-araw na gawain na natin ito, at hindi na ito bago sa ating lahat. Ngunit dahil din sa pang araw-araw na gawain nating ito, namatay ang isang batang babae sa China.

Si Le Thi Xoan ay isang 14-anyos na babae sa nakatira sa China.

Ang karaniwang routine ni Le Thi Xoan bago matulog ay gagamit muna siya ng cellphone hanggang sa antukin at bago tuluyang matulog, ay isasaksak niya muna ito para mag-charge at ilalagay nito sa kanyang tabi. Ngunit ito na pala ang magiging dahilan kung bakit hindi na siya gigising kinabukasan. Kinabukasan ng gabi na yun ay sinubukan siyang gisingin ng kanyang ina, ngunit hindi siya sumasagot. Kaya pinuntahan siya ng kanyang ina sa kanyang kwarto upang tignan kung anong problema. Natagpuan ng nanay niya na wala na siyang malay.

Dali-daling isinugod siya ng kanyang magulang sa ospital ngunit pinahayag na itong dead on arrival. Hindi makapaniwala ang kanyang magulang dahil wala naman daw mali sa anak nila. Wala din naman kasaysayan ng malubhang sakit ang kanilang anak. Kaya hindi nila alam kung bakit nangyari sa kanya ito. Hindi naman depressed ang kanilang anak upang siya ay mag suicide.
Ngunit, nang malaman nila ang dahilan, sila ay nagulat.

Source: Pexels
Matapos ang otopsiya sa katawan ni Xoan, napagaalamang nakuryente pala siya. Ang hinala nila ay nakuryente siya sa cellphone charger na nasa kanyang tabi. Hindi pa din makapaniwala ang mga magulang ni Xoan dahil malinis naman daw ang kanyang kwarto at nasa ayos ang kanyang mga gamit. Ngunit ng itinaas nila ang kumot sa kama ni Xoan, ay nakita nila ang salarin.

Nakita nila ang cellphone ni Xoan na nakasaksak sa charger. Ngunit ito ay hindi nagcha-charge. Sa halip ay nakita nila na ang parte sa cable na pinakamalapit sa cellphone ay sunog. At iyon ang naging suspetsa nila kung bakit nakuryente ang kanilang anak.

Ipinaliwanag ng magulang ni Xoan sa mga pulisya na karaniwang ginagawa ito ng kanilang anak. Gabi-gabi, bago siya matulog ay isasaksak muna niya ang kanyang cellphone sa charger at ilalagay niya ito sa kanyang tabi. Napag-imbestigahan din ng pulisya na sira na pala ang charger na gamit ni Xoan. Niremedyohan niya lamang ito gamit ang tape. Binalutan niya ng tape ang sirang bahagi ng charger, kaya nakuryente siya matapos itong isaksak.

Delikado gumamit ng sirang charger. Sabi nga nila, prevention is better than cure, kaya mas mabuting maging maingat tayo sa ating mga smart phones. Huwag ilagay ang ating mga cellphone sa ating tabi habang ito ay kasalukuyang nagcha-charge. Mas lalo na kapag sira ang charger na gamit. Mas mabuting ng gumastos para sa bagong charger kaysa may mangyari pa sa ating masama.