Ayos nga lang bang Matulog Habang Nakatutok sayo ang Electric Fan? Siyensya ang Magpapasya kung ito ay ayos nga ba o hindi

Ayos nga lang ba talagang matulog ng nakatutok sayo ang electric fan? Hindi simpleng oo o hindi lang naman ang sagot dito.

Ayon sa mga experto, ang sagot daw ay nakadepende mismo sa tao. Malalaman natin mamaya kung ano nga ba ang kainaman at di magandang epekto ng pagtulog habang naka tutok sayo ang electric fan.

Ano nga ba ang mga kainaman nito?

Sa isang post mula sa SleepAdvisor, ang electric fan daw ay isang murang “DIY white noise machine” na nakakatulong sa mga taong makatulog ng maayos sa gabi sapagkat nagagapi ng ingay nito ang mga hindi kanais-nais na mga ingay sa labas, kagaya na lamang ng mga car alarms, maiingay na kapitbahay, mga wang wang, o kaya naman ay tunog ng pinto kapag sinasara.

Nakakatulong din ang electric fan na makontrol ang sirkulasyon ng hangin sa kwarto, kaya lumalamig ang temperatura kapag ito ay gamit.

Gayunpaman, meron pa din mga dapat isaalang-alang sa paggamit nito.
Kapag ikaw ay may asthma o kaya naman ay may allergies, kailangan mong isa alang-alang ang pag gamit ng electric fan dahil maaring magbuga ito ng mga alikabok at pumasok sa ilong na maaring makapagpalala ng iyong sakit.

Bukod pa dito ay kailangan din natin panatilihing malinis ang ating mga electric fan dahil kapag ang mga elisi nito ay marumi na, ibig sabihin ay mas maraming alikabok ang pwedeng maibuga nito.
Kapag ikaw naman ay masyadong conscious sa iyong kagandahan ay dapat mo rin isaalang-alang na ang patuloy na paggamit ng electric fan ay nakaka pag sanhi ng dry skin. Ngunit kung hindi talaga kayang matulog ng walang electric fan ay ugaliing mag pahid ng moisturizer o kaya naman lotion sa katawan.

Isa pang pwedeng maging problema ng pagtutok sa electric fan ay maari kang magising na sumasakit ang iyong katawan.

Ayon ulit kay SleepAdviser, “Ang mga taong natutulog na nakatutok mismo sa kanila ang electric fan ay maaring magkaroon ng stiff o kaya naman ay sore muscles pag gising. Nangyayari ito dahil ang malamig na hangin na binubuga ng electric fan ay nakaka apekto sa ating mga muscles at pwede itong mag cramp o kaya naman ay mabanat.

Karaniwan itong nangyayari sa mga taong natutulog ng nakatutok sa kanilang mukha o leeg ang electric fan. Kung ikaw ay nagigising at parang ikaw ay may “stiff neck”, ito ay marahil sa lamig na binubuga ng iyong electric fan.”

Source: Elite Readers