Alamin kung bakit mas mahirap magbawas ng timbang ang mga maliliit na babae.

Karamihan sa mga maliliit na tao ay palaging naka tippy toes tuwing mayroong inaabutan sa cabinet na mataas at humihingi nalang ng tulong sa kakilala o minsan naman ay sa mga hindi kakilala para lamang maabot ang gustong makuha na bagay pag ika’y nasa grocery o nasa bahay lamang. Alamin ang rason kung bakit mahirap magbawas ng timbang ang mga mababa ang height.
Alam natin na sobrang hirap o challenging talaga ang magbawas ng timbang. Maiisip mo nalang na marami talagang hadlang tungo sa iyong pangarap na katawan o timbang katulad nalang ng pagkain, pagtulog, stress level, at iba pa na pwedeng maging sanhi ng pagkahadlang sa pag babawas ng timbang. Ayaw nating makarinig ng mga masasamang balita, pero ang ating height ay nakakaapekto sa ating pagbawas ng timbang.

Mahirap ba talaga magbawas ng timbang ang mga maliliit na babae? Ang mga maliliit na babae ay adorable at fun-sized, oo ikaw nga, mas mahirap ba talaga magbawas ng timbang ang mga maliliit na babae? Meron tinatagong agham kung bakit nangyayari ito.
Sa katunayan, ang mga may muscle na bigat sa katawan, ay mas madali sila magbawas ng timbang, at dahil sa kurba, ang mga matatangkad ay may mas mataas na potensyal na magka-muscle sa katawan. Ang mataas na muscle sa katawan ay katumbas ng mataas na metabolism.
Ito ay “Numerong Laro”.Sa ating mga kaibigan na matatangkad alam natin na mahal natin sila, magkakaroon ka ng sama ng loob dahil sila pala ay may mas mataas ang potensyal pagdating sa pagkain at bumaba agad ang timbang.

Source: Pexels
Sa kasamaang palad, pag ikaw ay namili ng napakatamis na pagkain at kasama mo ang iyong kaibigan na 5’9 ang taas, ikaw lang ang maaapektuhan sa pagkain na kakainin ninyo. Ang ibig sabihin lamang nito ay may mas mataas ang potensyal na maka-burn agad ng calories ang mga matatangkad. Ang iyong “basal metabolic rate” or BMR, ay ang katumbas ng calorie na kailangan mo sa araw araw. Ang mga babae na ang taas ay 5 feet o mas mababa pa ay kayang magtunaw ng calorie hanggang 1,200, at sa mga may taas naman na katamtaman lang ay kayang magtunaw ng calorie hanggang 1,400, at ang mga matatangkad naman mga 5’10 ang taas ay kayang magtunaw ng calorie hanggang 1,750.

Kailangan mo rin ituring na nakakaapekto rin ang iyong pisikal na buhay sa araw araw o kung ano ang iyong mga ginagawa lagi, sa ating palagay ay paniguradong narinig niyo na ang mga mabibigat na tao ay mas madaling magbawas ng timbang kaysa sa mga maliliit na tao. Ang ibig sabihin nito ay pareho sa may taas na 6 feet laban sa 5’1. Nagsimula sa mabigat ang timbang, mas madaling magbawas ng timbang, at kabaligtaran nito.

Totoo nga ba na ang maliliit na tao ay may kapalaran sa pagbabawas ng bigat?
Kahit na may mga bagay na hahadlang at kawalan ng mga maliliit ang taas habang sinusubukang magbawas ng timbang at magbuhat pa ng mas mabibigat.

Ito ang apat na paraan upang mapanatili ang iyong “leggy” katapat ang iyong pagpapapayat:
1. Pagbuhat ng mabigat na weights
Ang cardio ay hindi masama kung talagang gusto mo ng hanggang sa dalawang t-shirt na size ang mabawas mo, ang “strength training” ay mas epektibo sa mga maliliit ang taas. Nabanggit na rin kanina, ang mga matataas na tao ay mas madaling magbawas ng timbang dahil sa muscles. Ang epektibong pagpapalaki ng muscles ay ang pagbuhat ng mga mabibigat.
Ang pag-aangat ng mabibigat na weight lifting equipments ay mas may malaking potensyal makatulong sainyo upang magkaroon ng muscles.

2. Kumain ng sapat lamang
Alam natin na mahirap mag pigil lalo na’t pag sa pagkain na ang usapan pero kailangan mo tandaan na dapat sapat lang ang iyong kinakain upang maging epektibo ang iyong magbabawas ng timbang. Hindi natin namamalayan na sobra na pala ang kinakain natin, kailangan lang ng ating katawan ang sapat na pagkain para maka-survive sa pang araw-araw.
Pakiramdaman ang iyong gutom at kumain lang ng sapat para magkalaman ang tiyan at mapapagtanto mo nalang na ayos lang pala kumain ng tama lang kaysa sa iniisip mo na gusto mo pa kumain ng iba pang pagkain.

3. Protina. Protina. At marami pang protina.
Malamang kadalasan mong naririnig ay kailangan natin ng maraming protina sa katawan, lalo na pagkatapos ng pag-eensayo, pero alam mo ba kung bakit? Dahil ang protina ay nakakapagpalakas ng katawan at maging mas aktibo ang iyong katawan na mas mahabang panahon. Ito ay importante lalo na sa may maliliit na taas para mapanatili ang “calorie deficit diet plan”. Ang protina ay tumutulong para mapanatili ang iyong muscles at mapadali ang pagkakaroon ng muscles sa katawan.

4. Panatilihin ang “Calorie Count”
Ayaw na ayaw natin kadalasan mag bilang ng calorie sa ating kinakain na pagkain, hindi nakakatuwa madalas, pero mas epektibo ito kung talagang gusto mo magbawas ng timbang.
Kung gusto mo talaga magbawas ng timbang dapat ay bilangin mo ang mga kinakain mo na calorie para mapanatili ang iyong pagbabawas at mas bumilis ito. Ngunit wag mo masyadong ma-stressed para maging eksakto ang calorie count mo, lagi lang tandaan na dapat ay tama lang ang iyong kinakain sa araw-araw para mapanatili mo ang pagbabawas at maging epektibo sa madaling panahon.

5. Kumausap ng Professional
Ang internet ay malawak pagdating sa mga impormasyon na guston mo malaman ngunit kung gusto mo makasiguro sa iyong kalusugan dapat lumapit na at kumonsulta sa mas nakakaalam pagdating sa pagbabawas ng timbang. Mas epektibo ang pakikipag-usap sa mga professional pag dating sa mga ganito dahil hindi lamang ang pagbabawas ng timbang ang pwedeng maitulong nito sayo, kundi pati ang iyong body type at para mas mabuksan ang iyong kaalaman kung paano ang tamang pagdidiet ng tamaat para mabigyan pa rin ng sustansya ang iyong katawan.
Para makamit mo ang iyong goal, dapat meron kang ideya kung ano nga ba talaga ang iyong dahilan. Ang pagbabawas ng timbang ay mas mahirap sa mga maliliit na tao kaya kailangan ay ipagpatuloy at magsumikap para maabot ang iyong body goals! At laging tandaan na dapat ay ” maging positibo and magpursige!”.