Natuwa ang mga netizen sa isang babaeng nanganganak na kaboses ni Cardi B.

Malamang kilala na ng karamihan sa atin kung sino si Cardi B. Sa mga hindi, si Cardi B. ay isa sa mga sikat na rapper ngayon sa mundo. Maraming natuwa sa kaniyang mga inilabas na kanta, katulad na lamang ng Bodak Yellow at Best Life, na talaga nga naman nagustuhan ng mga tao ngayon, lalong lalo na ang mga millennials. Hindi lang dahil sa pagiging rapper nagustuhan ng mga tao si Cardi B.

Sumikat din siya dahil sa kanyang kakaibang personalidad at uri ng pananalita. Kung isa kang tunay na fan ni Cardi, ay sa unang bigkas pa lang ng kanyang boses sa mga kanta, ay malalalaman mo na talagang siya yun. Kaya maraming natuwang netizens sa video na ito ng babaeng nanganganak na kaboses ni Cardi B.

Makikita sa video na nasa delivery room na ang babae, at parang nanganganak na ito. Ngunit sa surpresa ng iba, iba ang kanyang ginagawa. Hindi siya sumisigaw at umuungol sa sakit, na karaniwang nakikita natin kapag nanganganak ang isang babae, kundi para siyang kumakanta. Kinakanta nito ang mga kanta ni Cardi B at ginagaya niya ang boses niya pati ang mga karaniwang expression nito, kagaya na lamang ng “eeeaaawww” at “okurrrrttt” na karaniwang binabanggit ni Cardi sa mga interviews niya. Kapag pinikit mo mga mata mo, at makikinig lamang sa kanya, aakalain mo talagang siya si Cardi B.

Makalaunan sa vid ay mapapansin parang hindi naman talaga “in labor” ang babae, kundi parang nagpapanggap lang siya. Mapapanood din sa video na sinabi niya na “ako na ang maglalabas dito sa anak” at sabay dinukot ang bata sa kanyang matress at pag labas, laruan lang pala ang baby na sinusubukan niyang ipanganak. Malaman-laman natin sa video na isa lang palang comedy sketch ang lahat ng iyon, at ang may pakana ay ang sikat na youtuber na si Natalie Freidman. Kilalang kilala na siya sa social media bilang isang komedyante at blogger.

Naging instant hit agad ang video parody niyang ito sa mga netizens. Dahil isa na siyang sikat na youtuber, mabilis kumalat at napanood ng iba’t ibang tao ang kanyang video dahil sa dami nang kanyang subscribers. Katulad na lamang ng kanyang mga nakaraang video na nilalagay sa youtube, milyon-milyong views at libo-libong mga likes at comments ang naani nito. At higit sa lahat, marami din siyang naloko sa video na ito, dahil napaniwala niya ang karamihan na talagang manganganak na nga siya.

 

Credits: Creaze / Natalie Freidman