Batang nagpabilib sa mga netizens dahil sa kanyang sariling version ng magic

Kung ikaw ay madalas sa facebook o kaya naman sa kahit anong social media websites, ay malamang nakita mo na itong nakakatuwang video na ito. Ang video na ito ay tungkol sa isang batang may kakaibang talento. Ang famous escape magic na pinauso dati ni Houdini. Dahil sa kanyang nakakatuwang pag deliver ng kanyang magic ay umani siya ng samu’t-saring papuri sa mga netizens.

Sa isang video na napost sa facebook ng isang kilalang page na “Pinoy Rap Radio”, makikita ang isang batang lalaki na sinasabihan ang dalawa pang batang lalaki na itali ang kanyang mga paa’t kamay, dahil may ipapakita siyang kakaibang magic. Inutusan pa niya ang mga ito na higpitan ang tali, yung tipong hindi na siya makakawala kahit ano pa ang gawin nya.

At yun nga ay ginawa ng dalawang bata. Sobrang higpit at sobrang sinigurado nila na maayos ang kanilang pagkakatali sa batang mahikero.

Sabi nga ng nag vi-video sa kanila na mukhang namumutla na ang batang mahikero sa sobrang higpit ng pagkakatali nila. Pagkatapos na siyang maitali, nagsimula ng magtanghal ang batang mahikero. Ang kanyang ipapakita daw sa kanila ay isang uri ng magic na natutunan pa niya mula kay Houdini, isang sikat na escape artist o escape magician nuong 1900s.

Matapos ng kanyang announcement ay sinabihan niya ang dalawang bata na takpan ang nakataling paa’t kamay niya ng itim na tela at susubukan niyang makatakas sa kanyang pagkakatali. Matapos na mailagay ay, bigla-bigla nitong nilabas ang kanyang kamay sa tela na tila ba hindi ito tinali at tinuro ang mga batang maiingay.

Sa laking gulat ng mga manonood, agad-agad naman nilang tinanggal ang itim na telang nakapatong sa kanyang paa’t kamay para makita kung nakawala na nga siya sa kanyang pagkakatali, pero nagulat ulit sila, dahil nakatali pa din siya, at talagang napakahigpit pa din ng kanyang pagkakatali.

Nagpaulit-ulit ito ng mga ilang beses pa, at sa tuwing mangyayari ito at titignan ng mga manonood ang kanyang kamay at paa, nakatali pa din sila, at pag tatakluban na ng itim na tela ang mga ito, bigla-bigla niya uling ilalabas ang kanyang kamay. At talaga nga namang bilib na bilib ang mga manonood sa kanyang kakaibang trick.

Iba’t ibang klase ng komento ang natanggap ng batang mahikero na ito. Isa sa mga komento ng netizen ay nagsasabing, “matagal na ang video yan pero mas nakakabilib yung mga nagsabi ng basic paano kaya nila nagawa yun”, habang ang isa naman ay, “Wonder boy , you can get a lot of money doing that on media.”

Panoorin ang nakakaaliw na video na ito sa baba.

Credits: Facebook Trending / Youtube