3 Pinakamabilis na paraan para magbawas ng timbang

Maraming paraan para magbawas ng timbang ngunit ang karamihan dito ay nagdudulot lamang ng matinding gutom at pagiging di masaya.

Kung wala kang matinding pagnanais at disiplina, ang gutom na iyong mararamdaman ay magiging sanhi upang ikaw ay mawalan ng gana upang ituloy ang pagpapapayat. Sa mga planong inyong mababasa ay makakapagbawas ng iyong gana sa sobrang pagkain, mabilis na pagbawas ng timbang at paglakas ng iyong metabolic health.

1.Bawasan ang pagkain ng matatamis at mataas ang level ng starch

Ang pinaka importanteng paraan sa pagbawas ng timbang ang paglimita natin sa mga pagkaing mataas ang sugar at starch content. Kapag nagawa natin ito, di ka makakaramdam ng matinding gutom at maiwasang makapag-ipon ng maraming calories. Sa paraang ito, di ka masyadong makakaramdam ng gutom habang nagbabawas ng timbang.

Isang benipisyo pa ng pagbawas ng carbs sa katawan ay papababain din nito ang iyong insulin levels, dahilan ng iyong kidneys na maglabas ng sobrang sodium at tubig mula sa iyong katawan. Ito ay magbibigay sayo ng maayos na pakiramdam at hindi parang puno lagi ang iyong sikmura.

2.Kumain ng pagkaing may balanseng bilang ng protina, taba at gulay

Lahat ng pagkaing iyong kakainin ay dapat may tamang dami ng protina, taba at mababang bilang ng carbohydrates. Di maitatago na ang mga pagkaing mayaman sa protina ay nakakapagpalakas ng ating katawan. Pinapalakas nito ang metabolism rate ng 80 hanggang 100 calories kada araw.

Ang tuloy-tuloy na pagkain ng may mataas na protina ay makakapagbawas ng inyong pagkagustong kumain ng marami at pag-iisip ng mga pagkain ng hanggang 60%. Pati ang pagkain ng midnight snack ay maiiwasan dahil makakaramdam ka agad ng pagkabusog. Ang mga pagkaing mayaman sa protina ay karne ng baka, manok, baboy at tupa. Pwede rin ang isda, ibang lamang dagat at itlog.

Ang pagkain naman ng gulay ay makakatulong din upang sumigla ang iyong katawan at maiwasan ang pagtaba dahil ito ay nagtataglay ng sapat na dami ng fiber, vitamins at minerals. Ang mga gulay na may mababang carbohydrate content ay Broccoli, Cauliflower, Spinach, Tomatoes, Cabbage, Lettuce, Cucumber at iba pa.

Kung ang mga pagkain naman na may fat content ang pag-uusapan, mahalagang isipin na ang mga ito hindi nakakasama sa ating katawan kung ito lamang ay ating lilimitahan. Dahil kung wala nito ay di rin tayo makakapagkilos ng maayos na magiging dahilan rin upang itigil natin ang ating mga diet plans. Ang ilang halimbawa na klase ng pagkaing mapagkukunan natin ng magandang uri ng fat ay sa Olive Oil, Coconut Oil, Avocado Oil at Butter.

Mas mainam sa ating katawan na sabayan ng pag-eexercise ang bawat diet plan na ating gagawin. Kung ito ay ating gagawin, siguraduhing magwarm-up muna o magbuhat ng magagaan bago simulang buhatin ang mga mabibigat na gamit. Kung nag-uumpisa palang sa gym ay mahalaga rin na humingi ng payo sa mga trainers doon.

Sa pamamagitan ng pagbubuhat ay mabilis itong nakababawas ng calories at maiwasan ang pagbagal ng iyong metabolism na makakapagpabilis naman ng pagbawas ng iyong timbang. Kung wala ka namang oras na magpunta sa gym ay magagawa mo pa ring makapagbawas ng timbang sa pamamagitan ng paglalakad, pagjojogging, pagtakbo, pagbibisikleta at paglangoy.

Credits: Healthline