Kundoktor na nag-ala spiderman, umani ng pagkamangha mula sa mga netizens

The struggle is real!

Yan ang makikita natin sa isang viral na video kung saan makikita ang isang kundoktor na pilit pinagkakasya ang sarili, umabot man sya sa kisame makuha lang ang bayad ng mga nagsisiksikang mga pasahero. Ayon sa FB post ni Daniel Mark, isang media company producer, ay nag-ala spiderman talaga itong si kuya magampanan lamang ang kanyang trabaho.

Di lingid sa ating kaalaman na tuwing pagsapit ng oras ng uwian mula sa trabaho o kung san man tayo nagmula ay talagang napakahirap makakuha ng masasakyan. Minsan ay umuulan, minsan naman ay napakatindi ng sikat ng araw.Gaano man kahirap ang pagkuha ng masasakyan ay karamihan sa atin ay nagtitiyagang pumila, maghintay ng ilang oras at makipagsiksikan, makauwi lamang ng mabilis at sa kanilang mga tahanan.

Sa video na nakapost at nag-viral ay makikita natin na di alintana ng mga pasahero ang matinding siksikan sa bus. Naiinitan, nasisikipan at nakatayo man ang karamihan ay nagtityagang magtiis ang mga ito dahil sa kagustuhan lamang na makarating sa kanilang mga pupuntahan.

Ngunit di talaga nagpadaig si kuyang kundoktor, kahit na sa dami ng kanilang pasahero ay nakaisip at nakahanap pa rin sya ng paraan upang magampanan ng maayos ang kanyang trabaho. Tumagal din ng ilang minuto ang kanyang paniningil sa mga nakasakay na pasahero habang nakalambitin na halos sa may kisame ng kanilang bus.

Ang mga pasahero ay tila nagtataka at napapailing na lamang sa nakikita at sa nararanasang sitwasyon ngunit alam natin na ang karamihan din sa kanila ay talagang namangha sa ipinamalas na galing at dedikasyon sa trabaho ng kundoktor na ito.

Sa hirap nga talaga ng buhay ngayon ay makakaisip talaga ang mga tao ng mga paraan upang maitaguyod ang pamilya. Di man natin inaasahan ay talagang makakagawa tayo ng mga bagay na kakaiba, magampanan lang natin ang ating trabaho ng mahusay.

 

Credits: Daniel Mark Natividad