Lalaki inalok ng kasal ang kanyang minamahal na may kasama pang regalong pink na sasakyan!

Noong araw, iba’t ibang klaseng diskarte at gimik ang ginagawa ng mga lalaki upang alukin ng kasal ang kanilang mga minamahal sa buhay. Sumikat na ang ilan sa mga ito at nag viral na rin sa social media. Ngunit sa kabila ng mga sumisikat na mga gimik na ito, ay marami pa din sa ating mga kalalakihan ang nagpapakita ng kanilang mga kakaibang diskarte sa paghahayag ng kanilang nararamdaman sa mga kabiyak ng puso nila. Katulad na lamang ng lalaking ito.

Sa isang video galing sa social media, ay makikita ang isang lalaki at babae na nakatayo sa isang malaking football field. Makikita din sa video na kung saan ay naka piring ang mata ng babae, habang sinasabihan siya ng lalaki na dahan-dahang tanggalin ang kanyang piring.

Makikita din sa video ang mga taong nakapalibot sa kanila at isang malaking box, kung saan ay mayroon pang ribbon na nakabalot. Nakahawak ang babae sa ribbon kung saan ang ribbon na ito ay nag sisilbi palang tali sa box, at isang hatak lang ay makikita ang surpresa sa loob nito.
Matapos sabihin ng lalaki sa babae ang kanyang mga panata ng pag ibig ay sinabihan na niya ang babae na hatakin ang ribbon.

Matapos hatakin ng babae ang ribbon ay tumambad sa kanya ang napakaraming pink na lobo at isang sasakyang Range Rover na pink din ang kulay. Sa laki ng surpresa nang kanyang minamahal ay hindi maiwasan ng babae na magtatatalon sa tuwa. Makikita sa video na tuwang tuwa ang babae sa surpresa sa kanya ng kanyang minamahal. Pero hindi pa pala dun nag tatapos ang pakulo ng lalaki. Pag talikod ng babae ay nakita niyang nakaluhod na ang lalaki at inaalok na siya ng kasal. Hindi na kailangang sabihin pa na isang matamis na “Oo” ang sinabi ng babae sa kanya.

Source: Trendzilla / Youtube