Bus na may malaking higaan na papuntang Bicol patok sa mga Biyahero!

Gusto nating lahat na kapag tayo ay bumibyahe sa mga malalayong lugar, ay ang mga sinasakyan natin na mga bus o kahit anong pampaseherong sasakyan, ay komportable tayo at ligtas sa ating byahe. Ang bus na ito na byaheng Bicol ay isa sa mga hinahanap nating mga biyahero dahil sa napakaganda at napaka komportableng disenyo nito. Napabilib nito ang maraming tao.

Dahil laging mayroong trapik kung saan man tayo pumunta, hangad nating lahat na kung maari man lang ay komportable ang ating masasakyan. Habang ang iba pang pampublikong sasakyan ang nag-aalok ng libreng wifi or pa-videoke, ang pinaka hinahanap talaga ng mga pasaherong kagaya natin ay ang isang sasakyan kung saan tayo ay makakatulog ng maayos. Ang bus na ito ang hinahanap nating lahat. Dahil ang mga bus ng Bicol Isarog Bus Co. ay may mga malalaking higaan, cr, at may wifi.
Ang kakaiba dito sa bus na ito ay sa halip na mga upuan kagaya na lamang ng mga bus na matatagpuan sa Edsa, ay totoong mga higaan ang meron dito. Iisipin mong para ka lamang nag ka-camping habang ikaw ay nasa byahe.

Maluwag din ang bawat bahagi kung saan naka pwesto ang mga higaan sa bus na ito. Kasyang kasya ang mga gamit at bagahe. Malaking tulong din ito dahil hindi mo kailangan pang isipin ang mga bagahe habang ikaw ay natutulog, dahil nasa tabi mo lang ang mga ito.
Ang mga bus na ito ay matatagpuan lamang sa Edsa Cubao. May byaheng pa Naga City din ang mga bus na ito. Sa halagang P1,350, ay pwede mo nang maranasan ang isa sa mga pinaka komportableng byahe sa buhay mo.

Ang pagkuha o ang booking sa bus na ito ay napaka simple lamang. Pwede mo itong gawin sa personal o kaya naman ay sa internet. Kung ito ay gagawin mo sa personal, kailangan mo lamang pumunta sa mismong istasyon nila at duon mag book. Kung ito naman ay gagawin mo sa internet, ay kailangan mo lamang pumunta sa kanilang website, piliin ang araw kung kailan ang iyong alis at kung ilan ang bibilhin na ticket. Basta wag kakalimutan piliin ang “Sleeper Bus” na opsyon upang makasakay sa bus na ito. Ang bus na ito ay mayroon lamang na 18 na higaan, kaya kailangan mag book ng maaga para makakuha ng higaan.

Source: ReadersPortal