11 na bagay na maaaring makasira ng first impression sayo ng isang tao.

Ayon nga sa kasabihan sa ingles, “first impression lasts”, at maaaring ito ang makapag dikta ng pakikitungo sayo ng isang tao kapag unang beses pa lamang kayo magkikita. Narito ang 11 na tips upang tayo ay makapagbigay ng isang maayos na first impression.

1. Maging maayos sa pag-presenta nang mga opinyon sa iba.

Sa isang pag-uusap, maayos lang na magbigayan kayo ng mga ideya sa mga bagay-bagay na nangyayari sa mundo. Pero kapag magkaiba kayo ng pananaw sa buhay, isang malaking pagkakamali na ipilit na ipaintindi sa kanila ang iyong paniniwala.

2. Umayos sa pakikipag-kamay.

Kapag ang pakikipag-kamay mo ay hindi maayos at parang lalamya-lamya, iisipin ng mga tao na isa kang mahiyain, sarado, at kulang sa anumang kakayanan na tao.

3. Huwag palaging titignan ang iyong cellphone kapag ikaw ay mayroong kausap sa personal.

Kapag palagi kang tumitingin sa iyong cellphone kaysa makipagusap sa taong kaharap mo, iisipin kaagad nilang di ka interesado sa kanila. Ang bagay na ito ay nakakabastos para sa iba.

4. Ayusin ang pananamit.

Hindi naman kailangan mag suot ng barong o kaya naman ay americano, pero dapat maging mukhang presentable sa iba laong-lalo na kapag nasa isang interview para sa trabaho o nasa isang meeting.

5. Respetuhin ang space ng iba.

Hindi naman kailangang sobrang layo o sobrang lapit mo sa mga nakakausap mo. Kailangan lang ay hanapin ang tamang distansya upang hindi ka magmukhang nakakaasar sa kanila.

6. Huwag makakalimot ng pangalan.

Nakakabastos para sa iba kung nakalimutan mo ang kanilang pangalan. Ibig sabihin lamang nito ay hindi ka interesado sa buhay nila para hindi mo matandaan ang kanilang pangalan.

7. Pagtingin sa kanila mula ulo hanggang paa.

Kapag ginawa mo to, iisipin nilang hinuhusgahan mo na kaagad sila. Alam naman ng lahat na hindi ito kanais-nais.

8. Hindi pag tingin sa mata nila habang sila ay kausap mo.

Ayon sa pagsusuri, matalino at malaki ang tiwala sa sarili ng mga taong tumitingin sa mga mata habang nakikipag usap. Mahiyain, hindi tapat, at nerbyoso ang mga taong hindi tumitingin sa mga mata habang nakikipag usap.

9. Pag nguya ng bubble gum

Nakakabastos ang pag-nguya ng bubble gum kapag nasa isang interview o kaya naman ay isang meeting. Nagiging maayos lang ito kung ang mga kasama mo ay mga kaibigan mo lamang at hindi mga propesyonal.

10. Ang pagbanggit ng mga di kanais-nais na mga bagay.

Ang pagbubukas ng mga ganitong klaseng topic ay laging hindi maganda ang kinakalabasan. Ang mga topics na dapat iwasan ay tulad na lamang ng mga ex, relihiyon, trabaho, sweldo, mga isyu sa buhay, at iba pa. Habang nakikipagusap, huwag laging tungkol sa iyo ang kwento, pakinggan mo din ang mga sinasabi nila, at yun ang gamiting topic.

11. Paggawa ng mga nakakairitang mga tunog.

Nakakairita para sa iba ang makarinig mga bagay, katulad ng pagpukpok sa mga lamesa gamit ang ballpen, pag padyak ng mga paa, o kaya naman ay pagpapatunog ng mga daliri, habang ikaw ay kausap nila o kaya naman ay habang sila ay nasa trabaho.

Credits: Elite Readers