Kakaibang tulay na may malalaking kamay ang pinagkakaguluhan ngayon sa Vietnam

Isang tourist spot sa Vietnam ang pinagkakaguluhan ng parehong mga mamamayan ng Vietnam at pati na din ng mga turista doon. Ano nga ba ang kakaiba sa tourist spot na ito? Ang tourist spot na ito ay Golden Bridge of Ba Na Hills na kung saan ay may dalawang malaking kamay na nakahawak dito. Parang may higanteng nakahawak sa tulay na ito.

Ano nga ba ang kasaysayan ng kakaibang arkitekto na ito? Sinasabing ang Ba Na Hills daw nuon ay isang sikat na resort, na kung saan ay mayroong 200 na villas. Ito ay itinatag nuong 1919 ng mga Frances.

Ngayon ay nag mistulang ruins na lang ang minsang naging sikat na resort, ngunit meron pa din ibang atraksyon na nakakapag pahumaling pa din sa mga turista, kagaya na lamang ng Fantasy Park at mga French-style village. May namuong bagong atraksyon na din sa Ba Na Hills na tinatawag na the Garden of Thien Thai.

Ang golden bridge na ito ay nagbukas ngayon Junyo lamang. Ang golden bridge na ito ay may habang umaabot sa 1200 na metro at nakapwesto sa tabi ng bundok. Para kang naglalakad sa mga ulap kapag napuntahan na ang napakagandang lugar na ito. Ang Lobelia Chrysanthemums.

Ang Lobelia Chrysanthemum ay isang uri ng bulaklak na kung saan ay mayroon itong violet na kulay. Ang golden bridge ay punong puno ng bulaklak na ito, na kung saan ay naka-outline ang mga ito sa kahabaan ng tulay.

Habang ikaw ay naglalakad at nakikita ang mga bulaklak na ito, para ka na din naglalakad sa paraiso. Ang dalawang malalaking kamay nag umaalay sa tulay ay nagbibigay ng karagdagang hiwaga sa golden bridge, na kung saan ay pakiramdam mong parang may gumagabay sa iyong espirito.

Nakapalibot din dito sa tulay ang mga nakakabighaning tanawin ng malalawak na kabundukan at ang bughaw na kalangitan.

Nagmistulang isang ginintuang landas ang tulay na ito sa ibabaw ng langit. Ang proyektong ito ay inabot ng higit kumulang 2 bilyong dolyar para makumpleto.

Ang Vietnam ay isa sa mga pangunahing tourist destinations na kung sa taong 2017 ay nagkaroon ng tinatayang 12.9 million na turista ang nakapasok sa bansa na kung saan ay kalahati sa mga ito, ang kanilang primary destination ay ang golden bridge na ito.

Isa ang Vietnam sa mga bansa sa Asia, na kung saan nag-iinvest ang mga tao sa pagpapaganda ng kanilang kalikasan upang maging isang magandang pasyalan para sa mga turista. Ang kanilang kakaibang mga pamamaraan ng pagpapaganda ng mga tanawin ay tinatangkilik ng iba dahil hindi nila nasisira ang dating yaman ng kalikasan.

Source: Elite Readers