Sa isang kuha sa CCTV ng isang lalaki ang nag papakita ng kabutihan nating mga tao. Ang nasa loob ng video ay pinapakita ang isang grupo ng mga kabataan na nagsasauli ng perang nawawala ng isang lalaki na nagngagnalang Jamie.
Nai-post ni Jamie ang video na ito sa social media at umani ng samu’t saring papuri para sa mga bata mula sa mga netizens.
Sinabi ni Jamie sa caption ng video,
“Kung hindi nito mapapa-antig ang puso mo sa angking kabutihan ng mga kabataan na ito, ay kakailanganin mo sa siguro ayusin ang buhay mo.”
Sa video, makikita ang mga bata na naglalakad papalapit sa pinto ng bahay ni Jamie. Dahil wala si Jamie ng mga panahong iyon, ay nag iwan na lamang ng mensahe ang mga bata sa automated audio recorder na meron sa bahay nya.
Ang sabi ng mga bata, “Nakita namin ang wallet mo sa tabi ng iyong sasakyan, at gusto naming ibalik ito sa iyo. IIwan na lamang namin ang pitaka mo dito, dahil wala ka. Nilagay namin siya sa paso malapit sa pinto para walang ibang makakita.” Pagkatapos ilagay ng mga bata ang pitaka ay umalis na sila sakay ang kanilang mga bisikleta.
Nang mapanood ni Jamie ang video ay naantig ang kanyang puso at gusto niyang bigyan ng gantimpala ang mga bata.
Sinabi din ni Jamie sa kanyang post na, “Ang babait ng mga batang ito! Gusto namin silang hanapin at bigyan ng pabuya dahil sa kanilang kabutihang nagawa. Dapat lamang na maging proud sa kanila ang kanilang mga magulang. Kung sino man ang nakakakilala sa kanila, ay makipag ugnayan sa amin dahil gusto naming silang mapasalamatan.”
Isang facebook user naman ang nagsabi na, “Ang laking ginhawa na makakita ng mga ganitong klaseng bata. Marami pa palang mabubuti sa mundo. Ipagpatuloy lang nila ang mabuting gawain.”
Habang ang isa naman facebook user ang nagsabing, “Ang ganitong klaseng mga kwento ang kailangan natin ngayon. Nuong nakaraang taon, nakapulot din ako ng wallet at dali dali kong dinala sa lost and found. Nang papalapit na ako sa kanilang opisina ay nakita ko ang isang lalaki na aligaga, at parang may hinahanap na bagay.
Siya pala ang may ari ng pitaka na napulot ko. Tuwang tuwa siya nang maibalik ko sa kanya ang kanyang pitaka dahil lahat ng kayang credit cards at pera ay naduon sa loob. Isang malaking kawalan daw sa kanya kung hindi natagpuan ang kanyang wallet.”
Idinagdag ni Jamie sa kanyang post na natawagan na raw siya ng magulang ng mga bata tungkol sa nangyari. At iba’t ibang mga news media ang tumawag din sa kanya upang gawing balita ang kanyang post sa social media.
Source: Elite Readers / Youtube