Queen Elizabeth pumunta sa isang Charity kung saan cute na alagang aso ang nagserbisyo para bigyan siya nang bulaklak!

Nanlambot at bumalik sa pagkabata ang reyna ng UK na si Queen Elizabeth ng makita niya ang mga napaka-cute at maligalig na mga service dogs muna sa kanyang sariling breeding line.

Isa nga naman talagang kaibig-ibig na pangyayari ang makita ang isang maharlikang taong nagkikipaglaro na parang bata sa napakaraming mga tuta. Ito ay isa sa mga bagay na di karaniwang nakikita sa isang ordinaryong araw lamang. Lalong lalo na’t si Queen Elizabeth mismo ang maharlikang taong iyon. Maswerte tayong lahat dahil nakunan ito sa isang video at naging viral sensation sa social media.

Makikita sa video si reyna Elizabeth kung saan siya ay namataang bumisita sa charity event na pinamumunuan ng Canine partners, na kung saan ang mga serbisyo nito ang dedikado sa pagturo sa mga aso para maging service dogs. Ang mga service dogs na ito ay pinapadala sa mga mamamayan na may disability o sa mga taong mayroong kapansanan. Napabisita dito si Queen Elizabeth dahil ito ay isang selebrasyon sa pagpapadala ng Canine partners ng 400 service dogs sa mga taong may mga kapansanan.

Makikita sa video na sobrang saya at relaxed ang reyna habang nakikipaglaro sa mga aso. Mas lalong nakita ang saya sa mukha ng reyna nang lumapit sa kanya ang isang itim at napaka cute na tuta.
Makikita din sa video ang pagkagulat at pagkagalak ng reyna ng lapitan naman siya ni Yarna, isang 7 taon gulang na Labrador, na may dalang mga bulaklak.

Ngunit ng iaabot na ni Yarna ang bulaklak kay Queen Elizabeth, ay di sinasadyang mabitawan niya ito. Ngunit, sa halip na magalit at madismaya si Queen Elizabeth, ay makikita sa videong natuwa pa siya dito at inalalayan niya si Yarna na kunin ang bulaklak.

Maraming mga netizen ang naantig at natuwa kay Queen Elizabeth dahil dito. Dahil hindi inaasahan ng mga netizens na mayroon ganitong angking kaugalian pala ang kanilang reyna. Ang laging nasa isip ng mga tao ay si Queen Elizabeth ay isang seryoso at intimidating na reyna, ngunit nagiging parang isang bata din pala siya, kapag nakikipaglaro sa mga tuta.

Source: Little Things / Youtube / The Royal Family Channel