Naiwang maleta na may lamang pera, isinauli ng isang tapat na taxi driver!

Si Raymond ay isang isang taxi driver mula sa Cavite na nagtatrabaho na ng 50 taon. Sa tagal na niya sa larangan ng pagiging taxi driver ay marami na siyang mga nakitang mga mahahalagang gamit na naiwan sa kanyang sasakyan, katulad na lamang ng mga cell phone, wallet, relo, at iba pa.

Ngunit meron isang kapansin-pansin na pangyayari ang tumambad kay Raymond. Mayroong nakaiwan ng isang maleta na may laman na P175,000. Malaki man o maliit ang mga naiiwan sa sasakyan ni Raymond ay kanya itong isinasauli dahil isa siyang tapat na tao.

Ito ang kanyang istorya:
Isang araw, habang nag hahanap si Raymond ng mga pasahero, may nakita siyang lalaking mukhang walang wala ng tahanan. Ang lalaking ito ay mula pa sa Laguna. Sinakay ni Raymond ang lalaki at dinala nito sa isang motel. Dahil mayroon pa raw siyang mga kailangang bilhin, ay sinabihan ng lalaki si Raymond na maghintay ng 5 minuto at babalik din siya agad.

Ngunit, makalipas na ang 30 minuto ay wala pa din ang lalaki. Nag desisyon si Raymond na puntahan ang lalaki sa motel at hanapin siya. Nagtanong si Raymond sa resepsyonista subalit hindi pa daw nito nakikita ang lalaki.

Bumalik si Raymond sa kanyang sasakyan at litong-lito kung saan nagpunta ang lalaki. Nang buksan na ni Raymond ang kanyang sasakyan ay napansin niyang may maleta sa likod. Dahil sa pag-iisip na baka may impormasyon siyang makita sa maleta na makapagsasabi tungkol sa pagkakakilanlan ng lalaki ay kaniya itong binuksan.

Sa laking gulat ni Raymond ay hindi impormasyon ang laman ng maleta kundi perang nagkakahalaga ng P175,000. Ngunit sa kabila ng malaking halaga ng perang ito, ay hindi inangkin ni Raymond ang pera, sa halip ay dinala niya ito sa pinakamalapit na istasyon ng pulis. Ang sabi ni Raymond:

“Ganoong tao lang talaga ako. Hindi ako magnanakaw, at lalong hindi pa ako nakakapag nakaw sa tala ng buhay ko. Ngunit maganda siguro kung magkakaroon tayo ng ganoong kalaking halaga ng pera. Pwede makapagbago ng buhay ng tao.”

Matapos maibigay ni Raymond ang pera sa mga pulis, ay tinawagan agad nila ang motel kung saan hinatid ni Raymond ang lalaki. Nahanap agad ng mga pulis ang lalaki at tinanong kung sa kanya nga ba ang pera na nakuha sa sasakyan ni Raymond.

Kinumpirma nga ng lalaki na sa kanya ang pera at nagpakita din ito ng resibo na nagpapatunay na sa kanya nga talaga iyon. Ang sabi ng lalaki ay namana niya raw ito sa magulang niyang pumanaw na.

Dahil na kabutihang ginawa ni Raymond ay napabilib nito ang mga pulis at binigyan ng samu’t saring papuri. Ayon sa isang pulis:

“Ang mga nagawa ni Raymond ay kumakatawan sa mataas na pamantayan na meron ang departamento namin para sa mga kagaya niyang taxi driver”

Naitanong din ng ibang tao kay Raymond kung bakit isinauli pa niya ang pera, subalit sinabi na lamang ni Raymond, “dahil ito ang tama.” Maraming tao din ang nagsasabi na, “Kinuha mo na lamang sana ang pera at itinago ito.” Ngunit hindi kayang gawin ito ni Raymond.