Alamin at iwasan ang apat na uri ng pangloloko tuwing mayroong kalamidad.

Ang kalamidad ay hindi natin maiiwasan sa gusto man natin o hindi,ngunit malalagpasan natin ang bawat pagsubok sa ating buhay. Kailangan natin tiyakin na ligtas ang ating mga sarili at pamilya sa mga ganitong pangyayari, mayroong ibang mga bagay na dapat alalahanin tulad ng mga manlolokong tao.

Ang mga ganitong klaseng tao ay naghahanap ng madaling maloko pagkatapos ng mga kalamidad. Kailangan mong pahalagahan ng mabuti ang iyong sarili at and iyong pera lalo na sa mga apat na laganap na scam o pangloloko na ginagamit ng karamihan pagkatapos ng kalamidad, ang pandaraya sa kapwa tao. Nasa ibaba ang mga paraan para hindi maging biktima ng ganitong sitwasyon:

1. Fake Rental Listings

Naghahanap ng bago or pagsamantalang tirahan pagkatapos ng bagyo dahil nasira ang inyong bahay ay isa sa mga pagkakataon na maloko ka ng mga manloloko, ito ang mga dapat tandaan bago magrenta ng bahay.

– Libutin ang bahay bago ito rentahan
– Kausapin ng personal ang may-ari ng rerentahan para makasiguro
– Huwag magbigay ng importanteng impormasyon tungkol sa sarili sa internet

2. Fake Contractors

Pagkatapos ng kalamidad, maraming bahay ang kailangang ayusin, at dito nagsisilabasan ang mga manlolokong kontraktor para kunin ang inyong mga naipon na kita sa araw araw. Ito ang mga kailangan tandaan:

– Rekomendasyon galling sa kakilala ay mas mabuti
– I-tsek and lisensya
– Huwag mag bayad agad agad

3. Fake Charities

Ito ang pinaka sikat na ginagawa ng mga tao pagkatapos ng kalamidad. Maraming nagsisipagsulputan na charities. Mga website na nakakapagduda ay dapat iwasan dahil mataas ang posibilidad na mapunta lang sa panloloko ang iyong pera na dapat mapupunta sa mga nasalanta ng bagyo.

– Siguraduhing i-tsek ang organisasyon
– Kumuha ng ibang detalye tungkol sa organisasyon
– Huwag magbigay ng perang donasyon
– Donasyon mula sa cheke o credit card ay mayroong mas mataas na posibilidad na maloko
– Tandaan ang pangalan ng organisasyon
– Magbigay ng donasyon sa nakarehistro at napatunayang totoo na charities at organisasyon

4. Clickbait

Sa mga nabanggit ito ang mas maliit na posibilidad na makapangloko ng kapwa. Ito ang mga pekeng impormasyon, kwento o larawan sa social media. Nilalagay nila ito para makakuha ng kaguluhan at atensyon sa mga tao na di naman dapat angkop.

Dapat maging alerto sa mga bagay kaysa nagmamadali at magsisi sa dulo.

Source: Elite Readers