Naantig ang puso ng mga tao sa mga imahe ng batang lalaki na may kayakap ngunit hindi niya kakilala.

Isang batang lalaki na si Klein na pumunta ng football game sa California kasama ang kanyang ina. Makikita sa imahe na halatang nababagot na ang bata nang makita niya ang babaeng hindi niya kilala na nakatayo lamang sa gilid niya. Si Klein ay naglakad patungo sa babae at kumandong sa babae na hindi niya kilala.

Source: Star Balloon-Bradley

Ang kanyang ina na si Joanne Bradley ay nag-aalala kay Klein dahil baka naiistorbo na niya ang babaeng kumandong sa kanyang anak pero nang kanyang makita ang dalawa, sila ay nagkukuwentuhan, halos bente minutos na ang nakalipas. Halftime na ng laro at iniwan na ng babae si Klein dahil pupuntahan niya ang kanyang babaeng anak. Nasaksihan ng kanyang ina ang pangyayari na hindi mahahalintulad sa kahit anong bagay, at inilagay niya ito sa kanyang facebook account para ibahagi ang magandang kwento sa kanyang mga kaibigan.

‘’Nagusap sila na parang kilala nila ang isa’t isa’’ sabi ni Joanne sa kanyang facebook account.

Source: Star Balloon-Bradley

Ang akala ni Joanne, hindi na nila makikita ang babaeng iyon na nagngangalang Mrs. Angela. Lumipas ang dalawang linggo, nakita ulit ni Mrs. Angela si Klein at kumaway ito sa kanya.

Ibinahagi ni Joanne, ‘’Si Klein ay naglakad papunta sa kanya na nakangiti, paakyat sa kanya upang kumandong, at humiga sa kanyang balikat.

Source: Star Balloon-Bradley

At tinanggap ito ng babae na walang reklamo.
Itong magandang babae ay inalagaan siya hanggang sa makatulog si Klein na parang siya ang kanyang ina.

Ang ina nito ay tinatanong si Mrs. Angela kung napagod ba siya at kukunin na nya si Klein, pero sabi ng babae na ayos lang sa kanya na matulog si Klein.
Pagkatapos ng laro, humingi ng paumanhin ang ina nito kay Mrs. Angela dahil sa pagkakaistorbo ng kanyang anak habang ito ay nanunuod ng laro. Sinagot naman ni Mrs. Angela ang ina ni Klein na tinuturing niyang bagong kaibigan ito.

Source: Star Balloon-Bradley

‘’Sa lahat ng tensyong naganap, siya ay masaya na makakita nang ganitong litrato dahil nagbibigay kulay ito kahit hindi nila kilala ang madaming tao’’ sabi ni Joanne.
Ang litrato ay umani ng maraming puso na reaksyon sa facebook at ipinamahagi nang halos 300,000 na tao.

Source: Elite Readers