Matandang diver na may kaibigan sa ilalim ng dagat pinapatunog ang kampana para tawagin ito!

Maraming tao ang nahuhumaling sa mga hayop dahil karamihan sa mga ito ay pwede mong maging kaibigan hanggang sa dulo. Mapapamahal ka nalang bigla sa kanila dahil sa nabuo ninyong alaala sa isa’t isa at dahil nakakasama natin sila sa tahanan o kahit saan mang lugar tayo magpunta. Katulad na lamang ng pusa, aso, kabayo, ibon at marami pang iba. Subalit kakaiba ang naging kaibigan ng matandang ito. Isang nilalang na mahahanap sa dagat. Magtataka ka kung paano niya naging kaibigan ito dahil mahirap paniwalaan diba? Kaya halina’t alamin natin kung paano sila naging magkaibigan nito na mula pa sa Japan.

Ang diver na ito ay isang japanese na nagngangalang David, 79 taong gulang. Si David ay mahilig mag dive simula 18 na taong gulang pa lamang ito. Si David din ang nagbabantay sa mga altar sa ilalim ng dagat sa Japan, lagi niya ito pinupuntahan upang mapanatili na ligtas ang mga altar.
Ayon sa isang article, Si David ay may nakasalubong na isang klase ng isda na kung tawagin ay Asian Sheepshead and Wrasse. Tinulungan ito ni David dahil nakita niya na may sugat ang isda at pinangalanan niya itong Yariko. Inalagaan ni David si Yariko hanggang sa gumaling ang kanyang sugat. Malaking tulong si David kay Yariko dahil pinapakain niya ito nang masustansyang pagkain tulad ng alimango upang lumakas agad si Yariko. Simula nang araw na iyon ay nagkaroon na ng matalik na kaibigan si David sa ilalim ng dagat.

“Nakita siguro ni Yariko na maganda ang intensyon ko sa kanya at naramdaman niya na nandito lang ako para sa kanya at napalapit na ang puso niya sa akin.” Ayon kay David.
Palaging binibisita ni David si Yariko para pakainin ito at para tignan ang Altar sa ilalim ng dagat. Nakaugalian na rin ni David na patunugin ang kampana sa ilalim ng dagat para dali dali na pumunta sa kanya si Yariko.

Madalas na tinatanggal ni David ang kanyang oxygen para iparamdam kay Yariko kung gaano siya kalahaga dito sa pamamagitan ng halik sa noo ni Yariko.

Ayon sa balita na ang isdang ito ay meron silang taglay na katangian ng tao kaya hindi siya natatakot kay David at kaya lagi nagpupunta si Yariko tuwing pinapatunog ang kampana sa altar. Hindi natin alam kung mayroong ganitong katangian si Yariko o wala, pero masaya pa rin si David dahil nakahanap siya nang bagong kaibigan at nakatulong upang mailigtas ang isang hayop na gawa ng Diyos.

Source: Readers Portal Today