7 dahilan kung bakit dapat kang magbayad gamit ang cash

Sa tingin nating lahat ay mas madaling credit card ang laging laman ng wallet natin sa halip na pera. Oo nga naman, dahil hindi ito isang malaking abala na ilalagay sa wallet katulad ng mga barya, ngunit mas kapakipakinabang ang pagbabayad ng pera kaysa gamit ang credit card.
Sa mundo natin ngayon na mas madali ang pagbabayad ng mga bilihin gamit ang credit card, angkop pa ba ang pagbabayad gamit ang pera? Ito ang 7 rason kung bakit ang pagbabayad gamit ang pera ay mas benepisyal para sa iyo:

1. Mapapahalagahan mo ang bawat bagay na nabili mo.
Ayon kay Avni Shah, isang author at propesor ng University of Toroto, ay may nararamdaman daw tayo kapag tayo ay pisikal na maghihiwalay ng iyong sariling pera. At mayroon daw itong iba’t ibang klase ng sakit na maidudulot sa damdamin na nakadepende sa uri ng pagbabayad na ito.

Credit: Pexels

2. Lahat ng pagbili na gagawin mo ay magiging mas makabuluhan.
Ayon sa parehas nag pag-aaral ay ang mga taong bumibili gamit ang pera ay mas nagkakaroon ng matinding koneksyon sa bawat bagay na kanilang nabibili. Iminungkahi din ni Shah na ang pagbabayad gamit ang pera ay makakatulong sa mga customer na mas maging matalino sa pag bili ng mga bagay-bagay.

Credit: Pexels

3. Hindi mo na gagastusin ang pera mo sa mga junk food.
Dahil limitado lang ang laman na pera ng iyong pitaka ay mapapaisip ka talaga kung tama ba ang mga bagay na bibilhin mo. Mas magiging mahusay ka sa pag gastos ng iyong pera, lalong lalo na sa pagkain.

Credit: Pexels

4. Mas maiintidhan mo ang mga kailangan mo sa mga gusto mo.
Kung ang gamit mo ay ang credit card, iisipin mong wala namang limit sa kung magkano ang dapat lang na gastusin, ay maiisipan mo talagang bilhin lahat ng mga gusto mo. Ngunit kapag ang hawak mo ay pera na, dun mo lang malalaman na mas importante ang mga pangangailangan kaysa sa kasiyahan.

Credit: Pexels

5. Makakaipon ka ng pera.
Kapag credit card ang gamit mo, madali lang gumastos dahil ang nasa isip natin ay babayaran na lang natin ang mga bills natin sa katapusan ng buwan. Pero kung palaging ganun na lamang ang pag iisip natin, malabong makakaipon tayo ng pera.
Ang pinaka mabisang paraan para tayo ay makaipon ay ang pagbabayad gamit ang pera, dahil hindi na natin kailangan pang isipin ang mga babayaran natin sa katapusan dahil ang mga ginagastos mong pera ay sarili mo na at hindi utang.

Credit: Pexels

6. Mas seseryosohin mo na nag pag gastos ng pera.
Ayon sa iba, ang pagbabadyet ng pera ay isang mabisang paraan upang mabantayan natin ang ating mga paggastos. Kapag hindi tayo nagbabadyet ng pera, ay hindi natin namamalayan na ang mga simpleng bagay, kagaya ng pagbili ng isang basong kape, o kaya naman ang pagbili ng isang libro, ay nakakadagdag na pala sa mga gastusin mo sa buhay.

Credit: Pexels

7. Mas nababantayan mo ang mga gastusin mo.
Kapag pera ang gamit mo, mas napapansin mong mas kumokonti na ang mga ito, hindi katulad sa credit card na sa katapusan ng buwan mo pa malalaman kung gaano na pala kalaki ang nagastos mo. Dahil dito, mas magiging matalino ka na sa mga bagay na mas makakamura ka at mas makakatipid.

Credit: Pexels

Source: Elite Readers