Musikero sa lansangan, hindi nabigyan pansin ng mga tao pero panalo naman siya sa apat na malilit na hayop na sumuporta sa kanya.

Ito ay tungkol sa isang musikero at ang apat na nakakaantig na mga manonood nito. Siya ay si George na mahilig kumanta sa lansangan. Habang siya ay kumakanta nang mga worship songs ay may lumapit sakanyang kakaiba at iyon ay maliliit na kuting.

Sabi sa Biblia, “Ang Diyos ay naninirahan sa mga papuri ng mga tao.” Ang Diyos Ama natin ay gustong gusto sinasamba at pinupuri ng sanlibutan. Sa ngayon ay ginagawa nalang ng bawat isa na obligasyon o pasanin sa araw araw na dapat isapuso at bukal sa kalooban. Pero si George ay binigyan ng talento para iparating sa maraming tao ang salita ng Diyos at ipakita ang kanyang talento at walang hanggang kabutihan ng Diyos na nagbibigay malasakit sa atin.

Dahil napakahirap bago sumikat sa larangan ng musika, maraming musikero ay kumakanta na lamang sa mga gilid ng kalsada at kadalasan naglalagay na lamang sila ng kahon para lagyan ng kahit anong halaga o tulong para sa pang araw araw nila na gastos. Katulad ni George na street performer kung saan nagbabakasakali na mabigyan siya kahit kaunting halaga lamang ng mga dumadaan na tao sakanya paligid. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya masyadong napapansin ng mga dumadaan na tao at dinadaanan o tinitignan lang siya. Naiisipan niya nang sumuko at magligpit ng gamit subalit naisipan niya na kumanta pa ng isang kanta para sa lahat na bukal sa puso.
Habang si George ay kumakanta napansin niya na may lumalapit na apat na kuting na mukhang nakikinig sa kanyang pagkanta at nanunuod sa kanya. Dahil pakiramdam niya na ang apat na kuting ay sinusuportahan siya, kanyang pinagbutihan ang pagkanta at mas nabigyan siya ng atensyon ng mga kuting.

Ang kanyang kaibigan na nanunuod din ay nakuhaan niya ang pangyayaring ito. Ayon sa kanyang kaibigan “Kumakanta ang kaibigan ko sa lugar na iyon ngunit walang masyadong pumapansin . Halata sa kanyang kilos na masama ang kanyang loob sa sarili dahil walang pumapansin sa kanya. Kaya naisipan niya na lang magpahinga muna ay mag relaks at kumanta na lang para sa kasiyahan. Bigla na lang dumating ang apat na kuting at pinanood ang kanyang pagkanta. Parang napansin nila ang kanyang nararamdaman at sinuportahan na lamang siya.”

Sources: Readers Portal Today / Youtube / Bored Panda