Batang mahilig magpakain ng asong kalye bago pumasok sa Eskwelahan, naging sikat sa Social Media!

Ikaw ba ay hindi mahilig sa mga hayop o kaya mong tiisin makita ang mga asong nagugutom na walang tahanan o makain? hindi bagay sa iyo ang kwentong ito.

Nakakaantig ang kwento ng batang ito dahil pinapakain niya ang asong kalye bago siya pumasok sa Eskwelahan.

Alam natin na ang aso ay matalik na kaibigan ng mga tao dahil pwede natin silang kaagapay sa trabaho at maging kasama sa buhay kahit ano pa ang problema na ating dadaanan. Hindi tulad ng ibang hayop, ang aso ay mas madaling mapalapit saatin dahil alam nila makisama sa mga tao na may katapatan, pagmamahal at tiwala.

Kamakailan lang may isang batang sumikat sa social media dahil sa video na kumalat kung saan binibigyan ng bata ang asong kalye ng pagkain na galing sa kanyang sariling baon.

Maraming naantig sa kwento ng bata dahil sa kanyang busilak na puso at umani ng samu’t saring papuri mula sa ibang tao.

Makikita sa mga litrato ang isang bata na nag ngangalang Kevin na nagbibigay ng tinapay sa asong kalye na gutom na gutom na dahil wala itong tirahan at makain.

Alam ni Kevin sa kanyang sarili na mahuhuli siya sa klase ngunit nakuha niya pang pakainin at pansinin ang asong kalye. Kahit gusto ni Kevin na kupkupin ang aso ay hindi niya ito magawa at hindi niya rin ito matiis kaya nagawa na lamang nito ay bigyan ng baon niyang tinapay ang aso na dapat sana ay pagkain nya para sa araw na iyon.

Pagkatapos ibigay ni Kevin ang kanyang baon ay dali-dali na siyang pumasok sa kanyang klase pero ang asong kalye ay humahabol sa kanya at gustong sumama, halatang gustong gusto siya ng asong kalye at dahil mahuhuli na sa klase si Kevin, sinabihan niya nalang ang aso na maghintay at babalikan niya ito pagkatapos ng kanyang klase sa ekwelahan.

Source: Readers Portal